That feeling

693 33 8
                                    

I tried revising it but failed 😂 maikli lang pero sana magustuhan nyo 😊

✖✖✖

I'm a simple girl who likes to keep her feelings hidden. Her friends thinks she's that jolly, the person who never cries, and bato ang puso kung sabihin ng iba. Haha. Its because she wears a mask with a smile on it, but behind that mask is a sad and lonely girl.

This story she wrote, it's her imagination. You may think its like those fairytales with happy ending, yes it has those kilig moments, but it also have a hint of reality, her reality.

Ako si Ciara Santos. Simple lang, tahimik, mahiyain pero matalino naman. May best friend ako, si Mike. Gwapo, mabait at matalino pa yan kaya nga may crush ako dyan eh. pero secret lang yun baka kasi magkailangan kami pag nalaman nya.

Grade 10 na sya samantalang ako eh Grade 9 palang. Hindi ko nga alam kong bakit kami naging close basta alam isang araw eh lumapit sya sakin tapos nakipagkaibigan. May gusto na ko sakanya nun kaya pumayag na ko, syempre chance ko rin yun para mapalapit sakanya noh.

Minsan nga napagkakamalang kami eh. kasi naman ang sweet nya, hihintayin nya ko sa labas ng classroom para sabay kaming umuwi tapos minsan sya na magbibitbit nung bag ko. Kaya di ko maiwasang isipin na baka may gusto rin sya sakin.

Pero isang araw nalaman ko nalang na may gusto daw si Mike sa klase namin. Syempre sa isip isip ko ako na yun. Hehe. Pero di nga. Sana ako yun.

February na ngayon at malapit na mag Valentine's. Kaya Yung School namin ay magkakaron ng Valentine's Ball. Lahat nga excited na.

Valentine's ball na ngayon. Ang gaganda nga ng mga suot nila. yung akin naman eh simple na sky blue na cocktail dress na may konting glitters lang sa dulo.

Naglakad lang ako papasok sa venue. At nakita ko naman si Mike, ang gwapo niya nga sa suit nyang color white. Nilapitan ko sya agad. Nagusap lang kami dun hanggang sa mag start na.

Wala naman masyadong ginawa. At ngayon eh kumakain na kami kasama ko yung mga kaibigan ko. Maya maya eh tumugtog na yung pang slow dance na kanta.

As usual puro couples yung nasa dance floor. Nakita ko naman na nakatingin si Mike dito. Ako ba yung tinitignan nya? Baka gusto nya kong isayaw? OMG sana nga.

Nakaupo lang kami, bigla naman akong napaayos ng upo nung makita ko si Mike na papalapit na may pwesto namin. Pinipigilan ko lang kiligin, nung nasa tapat na namin sya eh tatayo na sana ako kaso natigilan ako..... kasi.....

















"ahhhh.... Ella... pwede ba kitang isayaw?"

Hindi pala ako.... Si Ella pala yung kaibigan ko. Umupo nalang ako ulit ng maayos tapos pinagtutulakan na namin sya kay Mike at nakipagsayaw na sya. Kung titignan ako outside, kinikilig ako para sa kanila pero deep inside nasasaktan, umiiyak, at wasak na wasak na ang puso ko.

Ang sweet nga nila eh tapos pinalibutn pa sila. Bagay sila sabi ng mga tao dito at kilig na kilig pa. Sya pala yung gusto ni mike... hindi ako. At ang masaklap pa eh alam kong gusto rin sya ni Ella.

Dahil pakiramdam ko eh babagsak na ang mga luha ko eh nagpaalam na ko na uuwi. Sinabi ko nalang na tinawagan na ko at pinauuwi. buti nalng at pumayag. Nagpaalam nako sa kanila saka lumabas. At dun na tuluyang bumuhos yung mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nag assume ako na gusto rin nya ko pero hindi pala. Para lang syang Expectation to Reality...

Akala ko kaya ang sweet nya sakin dahil gusto niya ko............ yun pala dahil parang little sister lang ang tingin nya sakin.

Akala ko ako yung palaging sinusulyapan nya............. Yun pala si Ella.

Akala ko ako yung Gusto nya................. yun pala si Ella. At higit sa lahat....

Akala ko ako yung mahal nya................... Yun pala si Ella.

Ano nga naman laban ko kay Ella diba? Maganda sya, mabait, crush ng bayan. Walang wala akong laban sa kanya at saka ayoko naman masira yung pagkakaibigan namin. At Syempre sya yung mahal ni Mike, hindi naman ako dahil kaibigan lang ako para sa kanya.

Hindi pa ko nakakalayo ng marinig kong...

"Ella Tores, gusto kong malaman mo at nang lahat ng tao dito na mahal na mahal na mahal kita. Simula nung Makita kita nabihag mo na agad ang puso ko. Araw araw kitang inaabangan sa classroom nyo, at araw araw kitang sinusulyapan. Natorpe lang ako nun kaya hindi ako makaamin sayo pero ngayon tatanungin ko na sayo toh... Will you be my girlfriend?"

Pagkatapos ay puro tilian na... sila na... wala na kong magagawa. Umasa lang pala ako sa wala.

Nagmahal ako kasi akala ko mahal rin nya ko, pero wala eh..... akala ko lang pala yun.

_____-END-_____

That FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon