Prologue

3 1 0
                                    

*ting!*

Napatingin ako agad sa cellphone ko nang marinig na tumunog iyon. Messenger ko pala. Dali-dali ko iyong binuksan at agad na napangiti nang mapagtantong si Karl pala ang nag chat. I mean, he replied on my day on Facebook.

By the way, I like him. Sya yung taong gusto ko. Gusto lang okay? Hindi mahal. Sherkolang HAHAHAHA.

02:43 PM
Kavyx Ryle Replied to your story

'Dancerist HAHAHA'

Natawa ako sa aking nabasa. Kaka'day ko lang sa Facebook ng tiktok video ko at di ko alam na na-view niya pala ito. Matagal pa nga bago ko ito nabasa dahil katatapos ko lang maghugas ng pinggan. Nag reply ako agad matapos kong mabasa ang reply niya sa day ko.

04:36 PM

'Hakdog' Reply ko.

'Sabi ko naman sayo eh, hindi ko i'di'day picture mo sa Facebook, kaso sayang nga lang. LOL.' Isa pang reply ko sa kaniya na pumapatungkol sa isang picture niyang sinend nya sakin the other day. Ang cool nya dun, share ko lang.

Agad naman syang naka-reply.

'HAHAHAHHAHAAHAHAHHA' Ito yung reply niya. Putek. Kung maka tawa ah. Happy pill moko? Ha?! Happy pill mokooo?!! CharOt!

04:41PM

Ilang minuto pa bago sya nakapag-reply.

'Hoy ang galing mo palang sumayaw.' Natawa ako sa reply niyang yun. Di ko alam kung bakit pero natawa talaga ako. HAHA.

'Natutulog ka lang bijj' Natatawa kong reply sa kaniya.

'Hindi ah' Reply niya naman. Matapos kong mabasa ang reply niyang to, hindi na ako nag reply. Sineen ko lang yung reply niya kasi wala na akong masabi tsaka ayokong magmukhang FC nuh. Duh!

I just kept on scrolling on my newsfeed. Pero hindi pa man lumilipas ang isang minuto, nakatanggap na naman ako ng message galing sa kaniya.

Napangiti ako.

'Magaling talaga'
'Hate ko kasi yung pagsasayaw eh.' Reply niya sakin to.

'Baliw'
'Basic dance steps lang yan eh, tapos magaling agad?' I replied to him while laughing. Magaling daw ako? Eh basic dance steps lang naman yun sa tiktok. HAHAHAHA.

'Eh ako nga, hindi ko alam yan.' Natawa ako dito pips. Haha. Hangkyut lang basahin amp!

'I love dancing. Opposite tayo. I love singing, too. But music hates me.' I replied.

'Basic yan? Jusko, mahirap na yan para sakin.' Napapaisip naman ako sa sinabi niya. Mahirap? Eh ang dali-dali nga lang nung steps eh. As in, easy steps lang sya. Karl talaga.

'HAHAHAHAHAHAHAHAH MUSIC HATES ME TOO' Waw ah capslock. Ako ata hate nito eh. Choss.

'Sintunado ako' Dagdag nya pang sabi. Jusko teh! Di lang ikaw.

'Gague. Basic lang naman kasi yan'
'Same here. But I really do love singing. Bwesit na music eh, ayaw sakin' Sabi ko naman.

'HAHAHAHAHAHA MAS MAAYOS PA NGA YANG BOSES MO KESA SAKIN EH' Capslock na naman sya. I smiled instantly at his reply. Actually, I really do enjoy chatting with him. Ewan ko ba, pero gumagaan yung pakiramdam ko every time na magka-chat kami. Ikaw ba naman ka chat ng taong gusto mo diba? Tignan lang ako natin kung hindi ba gagaan yang pakiramdam mo.

Ceasing The StormWhere stories live. Discover now