Chapter Two

5 1 0
                                    

CHAPTER TWO

My group’s Entrep activity unexpectedly came out good. Both Jackson and Wil were good sellers. I must give the credit to them. Hindi na rin ako tumulong sa pagtinda dahil ako naman ang isa sa mga gumawa nun. Nasaktuhan rin naman ang Intramurals kaya naparami rin ang kita namin. Nakakatuwa lang.

Nagkaroon lang ng problema sa classroom dahil sa mga iresponsableng kagrupo nila Rizza at Demy. Rizza's fuming mad because only few from their group are moving. Ganun din naman ang problema sa iba pero seryoso kasi ang grupo nila at medyo hirap sa paggawa ng produkto nila.

Isang araw ay naabutan ko si Rizza na binubulyawan si Raikko, her groupmate, pero halos wala namang pakialam ang lalaki and to quote "Nag-ambag naman na ako kaya tapos na ang trabaho ko." How arrogant right? Parehas na parehas sila ng babae nya.

Napairap na lang ako at nilapitan sina Marcus at Sherri. Busy sila sa pagsagot ng mga sample questionnaires na galing kay Kun. I tried looking at the questions at halos sumakit ang ulo ko. Ilang araw na lang din kasi at kailangan na naming magtake ng examination and it's the day after our second quarter examination kaya patayan talaga.

Masuwerte na rin siguro kami dahil walang pasok ng Biyernes ng linggong 'yun dahil magkakaroon ng YES-O Camp sa school. Si Marcus lang sumali sa'min ngunit hindi nya rin naman na-enjoy. Narinig ko na second night pa lang ay umuwi na sya dahil kinabukasan ay babyahe pa sya para kumuha ng exam sa regional university na a-apply-an nya.

My weekend wasn't really productive. It was more on the destructive side. Paano ba naman ay nakita ko si Craig na nagwawalis malapit sa aming bahay. Mukhang magtatagal na naman ata sila rito sa may sa'min. I may have slightly moved on from my past but I can't still forget the pain inflicted on me for over a year. Halos isang taon akong nagmukmok at nagpakatanga dahil sa kanya. Halos hindi nga ako pumasok ng ilang mga araw nung mga unang buwan ng Grade 11 school year ko dahil parang nawalan ako ng gana sa buhay.

Hindi rin mawawala ‘yung magkakasalubong kami ng tingin pero agad din akong umiiwas. Although sometimes I can feel that he wants to say something to me but of course, I wouldn’t let him. Bakit hindi nya dalhin dito ang pamilya nya? Para namang may pakialam pa ako kung makita ko si Amanda at ang anak nila.

"Ate, nandyan si Ate Juliana. Aalis daw kayo?" naibalik ako sa wisyo nang tapikin ako ng nakababata kong kapatid na si Russo.

Napatingin naman ako sa may sala at nakita ko ang pinsan naming si Juliana. Bihis na bihis sya at tila may pupuntahan.

Natutop ko ang bibig ko nang may maaalala ako. Patay. May lakad nga pala kami ngayon.

Patakbo na sana ako sa cr nang mapansin nya ako.

"What the hell, Irish?" nagngi-ngitngit na singhal nya. Nagpeace sign na lang ako at nagmadali na. It took me almost an hour to finish. Halos badtrip na si Juliana nang makaalis kami kaya ang damit na suot ko ay pinili nya. I can't help but pull the dress downward. Masyado kasi 'tong maiksi kaso naman kapag binababa ko ay nakikita naman ang cleavage ko. Masyadong daring at pa-sexy ang damit na 'to. Hindi ko kinaya. Kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Juliana ay hindi na sana ako sasama.

At saka iniiwasan ko na rin talaga ang pumunta sa mall na kikitaan nila. It was the same damn mall who ruined me two years ago. Kahit na naisasama ako ng mga kaibigan ko run minsan ay hindi naman ako nagtatagal at iniiwasan ko talagang dumaan sa food court o tumingin sa department store na 'yun.

Halos itulak na ako ni Juliana papasok ng tricycle dahil hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Napasimagot na lang ako at pinikit ang mga mata. Hays.

Nakarating kami sa mall agad dahil sa lapit lang nito. Lumabas sya agad para hanapin ang mga kaibigan nya kaya ako na lang ang nagbayad ng aming pamasahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon