"Annyeong yeoreobun! Welcome back to my channel! For todays content where going to discuss reasons why you shouldn't date a trainee."
Kasalukuyan akong nagfifilm ng bagong video ko. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang content na to. Bigla ko rin naalala sya at panahong kami pa.
×××
2010
"Yah! Taehyung bakit ba madaling madali ka makipagkita ngayon?" umupo ako sa tabi nya. Nandito kami sa park, kanina pa sya tawag ng tawag kahit tulog pa ako.
"Wag ka na magalit jagi" nagpout naman sya at pinisil pisil ang magkabilaang pisngi ko. Okay! Okay! Sino bang walang kayang makatanggi sa lalaking to? Syempre ako
"May good news ako!" masayang saad nya at nakita ko na naman ang boxy smile nya. Na-excite naman ako sa sasabihin nya kaya napangiti din ako.
"Nakapasa ako sa pinag-audition-an ko at magiging trainee na ko" biglang nawala ang ngiti sa labi ko. Alam kong pangarap na nya ang maging idol simula bata pa kami.
Oo, Taehyung and I are childhood friends na nagka-developan at nagka-inlove-an. Since then I know how much he want to be an idol. Gusto ko maging masaya dahil matutupad na nya ang pangarap nya. Iyon ang gusto namin para sa isa't isa ang matupad ang bawat pangarap namin. Pero alam ko ang consequences ng pagiging idol lalo na in terms of relationship.
"Hindi ka ba masaya? Matutupad ko na ang pangarap ko Jagi." Alalang tanong nya.
"Masaya ako syempre" pagpepeke ko ng ngiti. Kaya kahit ayoko ay pumayag ako sa desisyon nya kahit alam kong mahihirapan kami parehas.
"Salamat Jagi tara kain tayo libre ko." hinalikan nya ko sa noo at pisnge at saka hinila papunta sa isang restaurant.
Sana tama ang desisyon ko.
Fast forward
2015
Limang taon na ang nakakalipas, nakapagdebut na si Taehyung sa group na BTS ag sa awa ng diyos ay kami parin. 2 years na syang idol at mula debut showcase hanggang ngayon ay nanonood ako para makita sya. May mga pagbabago lang hindi na katulad ng dati na kapag gusto ko syang makita ay magagawa ko ngayon patago na ang lahat. Bawal magkaroon ng girlfriend kapag idol ka dahil sagabal iyon para sa kanila.
"Nasan ka na Taehyung?"
"Andito sa likod mo"
Binaba ko ang cellphone ko at lumingon sa likod. Nakatayo sya sa di kalayuan nakasuot ng mask at cap. Tumakbo agad ako sa kanya at niyakap sya.
"I miss you so much" saad ko sa pagitan ng yakapan namin. Mag 2 months ko na syang hindi nakikita. Nahihirapan syang humanap ng tyempo para makatakas sa entertainment nila dahil busy sila sa album nila. Madalas ay hindi tugma ang schedule na pwede sya at pwede ako dahil pumapasok pa ako sa college. Simula ng nagdebut sya ganito ang scenario namin, minsan lang magkita at patago, nasanay narin ako sa ganitong sitwasyon.
"I miss you too Jagi. Waahh lalo kang gumanda ang taba taba na ng pisngi mo." tinusok tusok nya pa iyon. Sinamaan ko sya ng tingin hindi ko alam kung compliment ba iyon o pang-aasar na mataba na ko.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Compliment yon! Kain na nga tayo para mas lalo ka pang tumaba at gumanda." kahit nakamask sya ay alam kong nakangiti sya dahil muntik mawala ang mata nya.
Kumain kami sa favorite place namin. Ang jajangmyeon house ni ajhumma Yooju. Hindi naman masyadong matao kaya walang makakakilala kay Taehyung dito. "Ajhumma! Annyeonghaseyo! Namiss ko kumain dito aigooo. Alam nyo na po yung order namin ni Hyemin" niyakap naman namin parehas si Ajhumma.