"Ang kapal naman ng mukha mong babae ka!" Sigaw ng babaeng nasa harapan ko. Malakas ang pagkatulak nya sakin sa pader. Ramdam ko ang sakit sa likod ko.
"Please don't hurt me!" Pagmamakaawa ko sa kanya pero para syang bingi na walang marinig.
Hindi pa sya nakuntento sa pagtulak nya sakin sa pader at tinulak nya pa ako sa hagdan kaya nagpagulong gulong ako pababa. Napahiga nalang ako sa sakit ng katawan at mga galos na natamo ko sa pagbagsak.
"Sinabihan na kita noon pa na huwag mo akong kakalabanin pero matigas ka yan ang bagay sayo!" Rinig kong sigaw ni Jinri mula sa itaas ng hagdan. Sya si Park Jinri ang halos araw araw na bumu-bully sakin. Kahit maliit na bagay basta malamangan ko sya ay bubully-hin nya ko, sasaktan lalo na kapag ranking ang usapan.
Tumayo ako at ika-ika naglakad. Hinawakan ko ang braso kong nagdududo dahil nagasgas sa pagbagsak ko. Pinahid ko ang luha ko bakit kailangan lagi nalang akong ganito? Ganito na ba ako kahina at kababang tao para apak-apakan at umabot pa sa punto na sinasaktan?
Lumabas ako ng school at nagsimula maglakad pauwi. Bago ako pumasok ng bahay ay inayos ko ang sarili ko na parang walang nangyari dahil tiyak mapapagalitan ako ng parents ko kapag nalaman nila, gulo yon pag nagkataon.
"Walanghiya ka talagang lalaki ka!" Sigaw ni Eomma. Ito lagi ang scenario tuwing umuuwi ako ng bahay na stress at binully ay maabutan ko silang nag-aaway sa maliliit na bagay na pinapalaki nila. Nakakasawa na.
"Kailan ka ba titigil sa pambababae mo?! Hindi ka na naawa sakin! O kahit sa anak mo!" Halata sa boses nya na galit na galit sya.
"Tumigil ka na So-Ah! Ilang beses ko bang uulitin na hindi ako nangbabae?! Malilintikan ka na sakin!" sagot ni appa. Nakarinig ako ng pagbasag ng plato. Kaya nataranta ako at umiiyak na pumunta sa kusina.
Nadatnan ko ang basag basag na mga plato at umiiyak na si Eomma. "Appa! Eomma! Away na naman ba? Hindi ba kayo titigil! Wala ba kayong pakielam sakin?! Nasasaktan din ako pagnakikita kayong ganyan! Lagi nalang! Nakakasawa na!" sigaw ko sa kanila habang humahagulgol sa harapan nila. Hindi ko na talaga kaya.
Umakyat ako sa kwarto ko na umiiyak. Kinuha ko ang phone ko at agad dinial ang number ni Minho, boyfriend ko.
"Hello! Bakit ka tumawag naglalaro ako alam mo ba yon!"
"Minho, napapagod na ko dito."
"Edi magpahinga ka! Simple as that"
"Tangina naman Minho seryoso ako dito! Alam mo bang sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan mo naman ako"
"Alam mo Jiwon ka-dramahan lang yan, itulog mo na yan kesa kung ano anong iniisip mo. Para kang baliw"
"I hate you! Break na tayo!"
"Fine! Sawang sawa na ko sa kadramahan mo!"
Binaba ko agad ang tawag at patuloy na umiyak. Wala, wala na kong kakampi sa mundong to. Lahat sila iniisip na drama ko lang ang lahat kahit na ang totoo ay hirap na hirap na ko. Hindi na ko makahinga sa araw araw na nasasaktan ako. Gusto ko ng sumuko.
Sinuot ko ang hoodie ko at tumakas sa bahay. Gusto ko ng tapusin lahat ng paghihirap ko. Wala ako sa wisyong palakad lakad sa daan at sinunod kung saan ako dalhin ng paa ko. Muntik na akong masagasaan pero hindi natuloy dahil napreno ng nagmamaneho at minura pa ako. Sana ay natuluyan nalang ako.
Nakarating ako sa harap ng isang lumang building. Umakyat ako sa pinakatuktok nito. Tumayo ako sa dulo at ipinikit ang mata ko. Ito na ang tatapos sa paghihirap ko. Handa na akong tumalon ng biglang may humila sakin dahilan para matumba ako sa sahig.