He made me feel like 1892

9 1 0
                                    

"Grabe Miss Gwynn andami pong pumunta dito sa book signing po ninyo" sabi ng isang staff dito sa mall

"Oo nga po. Diba true to life story po yung isinulat niyong nobela?" Sabi pa nung isa

Nginitian ko naman sila "Oo nabasa niyo na po ba yung storya ko?" Tanong ko

"Oo po, actually reader niyo po ako kaso wala po akong extrang pera para pambili ng libro niyo kaya sa app lang po sa cellphone ako nag babasa" sabi nung dalagang staff

"Ikaw po ate?" Tanong ko sa isa

"Aahh di po talaga ako reader niyo. Yung anak ko lang pero dahil kapos lang din kami sa pera app lang din ng cellphone siya nag babasa" paliwanang nung isang staff na nasa around 40's na ata.

"Ganun po ba? Osige sa inyo na po to" sabay abot ko sa kanila ng tigiisang libro. "Tapos ko na rin po yang pinermahan" saad ko

"Salamat po Miss Gwynn" sabay yakap nila sakin at niyakap ko din sila pabalik.

"Hala sorry po Miss Gwynn. Nadala lang po sa saya" paliwanag ng dalagang staff matapos niya akong yakapin

"Ano ba kayo, okay lang. Kahit sa ganyang paraan may napapasaya akong tao"

"Ang bait mo talagang bata Miss Gwynn" sabi ni ateng nasa 40's ang edad sabay tap ng ulo ko.

"Sige po. Una na po ako" paalam ko sa kanila at kumaway naman sila sakin.

Pagkalabas ko ng mall agad akong pumunta sa parking lot upang kunin yung kotse ko. Pero imbis na dumeretso sa bahay pinuntahan ko muna yung lugar kung saan nag simula ang lahat. Lugar na pinaka paburito ko noon at hanggang ngayon.

Pagdating ko agad ko namang pinark yung kotse ko sa gilid. Wala paring pinagbago itong lugar nato. Yung mga bermuda grass buhay parin at presko parin yung hangin.

Napaupo naman ako sa damuhan at pinikit ko ang aking mga mata nung maramdaman kong dumampi yung hangin sa mukha ko.

"Limang taon narin ang lumipas pero pesko parin sakin ang mga alalang yun. Hanggang ngayon presko ka parin saakin ......... Zayion Zapusomo"

.
.
.
.
.
.
.

"Hay salamat natapos ko na din yung story ni Binibining Mia na I LOVE YOU SINCE 1892" sabi ko sabay pikit at sinasalubong yung preskong hangin.

Sana gaya ni Juanito Alfonso ang magiging first boyfie ko😊.

"Ang sarap ng hangin ano?" Napamulat ako ng maramdamang may tumabi saakin dito sa damohan kaya agad akong napadilat at akmang hahampasin siya ng libro na hawak ko

"Sino ka?!" Tanong ko sa kanya

"Binibinig huminahon ka muma. Patawad kung ika'y tinakot ko" bigla naman napataas yung left eyebrow ko. Ang lalim niyang magtagalog

"Sino ka?" Tanung ko ulit sa kanya pero this time binaba ko yung librong hawak ko.

"Zayion Zapusomo po binibini" sabay tanggal niya ng kanyang cap at itinapat niya sa bandang dibdib niya. Kaya napataas na naman yung left eyebrow ko

He made me feel like 1892 ( A one shot story )Where stories live. Discover now