Chapter 1

1 0 0
                                    

Chapter 1

I've been in this beloved province of my grandmother when I was just 8 years old and I can't even stand being here even in just an hour because it's far way different from the life I used to but what else can I do? but to obey what dad wants me to do so here I am tho ayoko na sang bumalik dito dahil Walang ref, walang cignal, walang wifi, walang aircon at tanging ang electrifan lang ang meron na ngayon ay nakatutok lang sakin at kahit sagad na ito sa number 4 ay pinagpapawisan parin ako kaya labis na lamang ang pagkainis na aking nararamdaman. Nag rered na din ngayon ang aking balat dahil kanina pa ako kamot ng kamot dito sa kinauupuan kong gawa sa kahoy at nandito ako ngayon sa kusina ni lola na gawa sa kawayan. Ang layo din ng kulay ng aking balat sa mga taong andito dahil lahat sila ay kayumanggi gayong ako naman ay halos kasing kulay ko na ang papel kaya naman ang mga bata na nandito ay pinagtitinginan ako.

"ateh ang puti mo" sabi ng isang batang babae. Hindi ako umimik dahil sa inis na aking nararamdaman.

"saka ateh sobrang ganda mo pa" sabi naman ng isa pang batang babae na nakahawak ng supot na may laman na lupa.
At kahit na inis na inis na ako ay nagawa ko pang ngumiti sa mga bata.

"oh mga bata umuwi na muna kayo sa inyong mga bahay at ang ate niyo ay kakain na muna" sabi ni lola na kadadating lang. Nagsialisan naman ang mga ito at inilapag ni lola ang ulam na niluto niya

"ano yan la?" tanong ko dito dahil hindi ko pa masyado itong nakita

"damo!?" pasigaw kong tanong sa kanya nung nakita ko ito kaya naman tumawa ang matanda

"hindi ito damo apo, talbos ito ng kamote" sabi nito na natatawa pa. Like anong nakakatawa dun lola?

"la hindi ako kumakain ng ganyan" mahinahon kong sambit dito

"and ah pwede bang kahit pritong tilapia nalang lola"

"naku naman apo, nasanay ka kasi sa marangyang buhay kaya ganyan, pero siya sige bibili ako ng tilapia kay aling Marta at maghintay ka lang dito aber" sabi ni lola sa akin. Buti pa si lola ay naiintindihan ako.

"sigeh po lola salamat po" sabi ko naman dito.
Pagkalabas ni lola ay tumitingin tingin ako ngayon sa kanyang bahay. Sa taas ng bubong maging sa kawayan nitong pintuan at sa lupa na inaapakan ko ngayon.

"buti nakakayanan niyang mamuhay ng ganito lang" sambit ko sa aking sarili na ang tinutukoy ay si lola. Bakit kasi ayaw niyang tanggapin ang pera na pinabibigay ni daddy eh. Di sana parehas kaming nakikinabang ngayon, tae naman.
Since wala pa si lola ay sinubukan kong lumabas ng bahay. Oo 1 week na ako dito sa probinsya at never pa akong lumabas ng bahay kaya naman pag kakita ko dito ay andaming mga bata na naglalaro. Ang saya nila. Lahat sila may ngiti sa mga labi at kahit simple lang silang mamuhay ay mababakas mong masaya sila sa kung ano mang meron sa kanila. Habang ako ngayon nakasandal lang sa hamba ng pintuan habang ang dalawang kamay ay nakahawak dito.

"andami palang tao dito" sambit ko sa sarili ko at kahit ang mga matatanda ay may ngiti din sa kanilang labi dahil pinapanood nila ang mga bata na naglalaro. Habang nanonood sa mga bata ay napansin ko ang isang lalaki na nakatitig sa akin mula sa puno ng mangga kung asaan siya ngayon. I used to be adore by so many guys back in school in QC and they almost give me what I want just for them to have my sweetest yes. Walang sinumang nangahas na titigan din ako ng mata sa mata dahil lahat sila ay takot sa akin at ngayon etong lalaki lang na to na taga probinsya lang at mukhang mahirap pa ang nangahas na titigan lang ang isang Mauris Diana Grey? How dare him!
I roll my eyes at him and then go back inside this small house with anger in my eyes.

"oh bakit parang galit na galit ka?" tanong ni lola na kadadating lang at napatigil siya.

"lola who is that guy?" tanong ko dito na naiinis

"aba eh sino ba apo?" tanong nito na papalapit sa tinuturo ko para makita nito kung sino, habang hawak hawak nito ang supot na may tilapia

"ah oo si ano yan apo, si Icarus " sabi nito na naglalakad na patungo sa kusina

"Icarus, tsk" sabi ko dito pero alam kong di na narinig ni lola

You shut me up in the darkness Where stories live. Discover now