Dream 13

24 6 5
                                    

Ang isang buong masayang araw ay agad napalitan ng biglaang kalungkutan na maging sya ay hindi inaasahan.

Kusang tumutulo ang luha habang pinagmamasdan ang kaluluwang nakangiti ng todo sa kanya.

"Hindi ako nagkamali sa aking hinala sayo, Grim," nakangiti pa ring ani nito na tila walang problema.

Sa konting panahon na inilagi nya bilang kapitbahay nito ay hindi sya nakaramdam ng pag kaiba, laging may magiliw na ngiti ito sa twing nasusulyapan siya. At ngayon, ang taong iyon ay isa na sa mga kaluluwang kailangan nyang ihatid sa kabilang buhay.

"Kriss Valderama, Limampu't siyam na taong gulang, dahilan ng kamatayan, pagkabaril," dumadaloy pa rin ang luha sa mata nya nang banggitin ang mga katagang iyon, marahang tumango tango naman ang ina ni Krischelle na may nakaukit pa ring ngiti sa labi.

"Wag kang umiyak Grim hijo, papangit ka nyan sige ka," pagbibiro pa nito, ngunit may nangingilid nang luha. Napahagulgol siya sa iyak, hindi nya akalaing mawawala ito nang mas maaga, nasisiguro nyang sa mga oras na iyon ay sobrang pagdadalamhati in ang nararamdaman ni Krischelle.

Nang makarating sa lugar na tinatawag nilang, Hello Oblivion, Goodbye Life Memories ay agad na humingi ng permiso ang ina ni Krischelle na kung maari ay kausapin muna sya saglit. Agad naman syang sumang ayon dito.

"Grim, maraming salamat sa lahat, naalala ko nung unang araw na lumipat ka sa tapat ng bahay namin ay sobrang natuwa kami ng anak ko. Maraming salamat sa pagtulong sakin araw araw sa restaurant. Maraming salamat sa pag papasaya sa anak ko, mula nung makilala ka nya nahalata kong mas lalong naging masayahin sya," kusang tumulo ulit ang mga luha nito nang mabanggit ang anak. "Nakikiusap ako, Grim, mas lalo mo pa sanang pasayahin ang anak ko, lalo na ngayon wala na ako sa tabi nya, wala nang Mama na gagabay sa kanya, wala nang mang aasar sa anak kong yun, ipangako mo sakin na babantayan at lagi mo syang papasayahin," hindi nya na rin mapigil ang mga luhang bumubuhos ngayon mula sa mga mata nya. "Wag na wag mong yayayain na kumain ng panghapunan si Krischelle, baka mabatukan ka nun, wag mo na rin syang aasarin sa lawyer na naging boypren nya, lagi mong sabayan ang mga kalokohan nya," nakangiti ito ngunit ang luha ay patuloy na umaagos. Tanging pag tango na lang ang naisagot nya dahil hindi na nya kakayanin pang magsalita dahil sa mga luha at matinding pagpipigil ng hikbi na gustong gusto nang kumawala.

Wake Me Up, My Boy (Grim Reaper Series #1) (Under Editing, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon