Prologue

20 1 0
                                    

"Here lies the betrayed brethren,
Fought and killed but forgotten.
Champs, oh champions of Petra the maiden,
Your body lies beneath and rotten"
🎶🎵

Champs, oh champions of Petra the maiden, Your body lies beneath and rotten" 🎶🎵

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*ctto


"Lolo! Kumakanta na naman kayo!" masiglang sabi ng nakababatang kapatid ko at napahagikhik. Sa edad na lima ay sobrang madaldal na ito at napakalulit. Napabuntung hininga na lang ako at binigyan ng isang ngiti si Lolo.

"Pagpasensiyahan niyo na po lo at alam niyo naman itong si Hiro napakabibo. Alam niyo na, walang pinipili na lugar to. Sige na ho at magpahinga na ho kayo." kamot sa ulo kong sabi.

Binigyan naman kami nito ng isang tipid na ngiti at suminyas na lumapit kami at umupo sa tabi. Nandito kami ngayon sa likod ng mansyon kung saan tanaw na tanaw namin ang dagat at isang malawak na bukid. Napakapayapa at aliwalas nito na kahit sino ay gugustuhin na lang na umupo sa gilid at walang humpay na damdamin ang kapayapaan na dala nito. Napaigting ako ng biglang tumakbo si Hiro at umupo sa tabi nito at maingat na hinawakan ang kamay ni Lolo.

Napangiti na lang ako at umupo sa tabi ng dalawa.

"Lolo, bat kumakanta na naman kayo?"

Biglang nagiba ang ngiti ni Lolo. Pumikit ito ng mariin at parang pinipigilan ang sarili sa kung anong emosyon. Pinanlakihan ko ng mata si Hiro at napasimangot naman ito.

"Gusto na nilang umuwi. Gustong gusto na nila." mahinang sabi nito at biglang bumitiw ng isang ngiting mapakla.

Napakagat labi naman ako at napatanaw sa malawak na bukid. Napakalungkot ng mukha nito at para bang may matagal ng iniindang sakit sa puso na kailan man ay hindi na malulunusan. Napahawak ako sa laylayan ng damit na suot ko at pinigilang maiyak. Sampo pa lang ako pero di naman ibig sabihin nun eh manhid na ako sa emosyon ni lolo.

"Edi umuwi sila! Simple lang naman nun lolo eh! Baka miss na din sila ng pamilya nila!" Napatakip ako ng taenga ko ng biglang sumigaw si Hiro.

"Hiro!" Saway ko dito.

Napatawa ng mahina si lolo at napatingin kay Hiro. Ginulo nito ang buhok ng kapatid ko at pinitik ang noo. Napahagikhik naman ako ng wala sa oras ng makita ang lukot na mukha ng nakakabatang kapatid. Buti nga sayo.

"Kahit gustuhin man nila ay hindi na sila makakauwi, Hiro. Itinakwil na sila ng emperyo at kahit kailan man ay hindi na nila makikita ang mga pamilya nila." Blankong saad nito.

Nagkatinginan naman kami ni Hiro ng sabay sa sinabi ng lolo. Hindi ako masyadong kinakain ng kuryusidad pero sa unang pagkakataon ay parang hindi ko na yata mapigilan na mismo tanungin si lolo dahil sa sinabi nito.

"Eh mga traydor naman pala sila, lo. Mga traydor lang naman ang mga tinatakwil ng emperyo. Yung mga rebelde, bilanggo at hindi tumutupad sa batas ay pinapatawan agad ng kamatayan" Naguhuluhang saad ko.

Napakamot ako ng ulo. Wala akong masyadong alam sa nakaraan ni Lolo kaya hindi ko kayang isalarawan na may mga kaibigan si Lolo na mga rebelde. Isa iyong taboo. Ang tanging alam ko lang, bago naging Marquis si lolo, ay isang simpleng knight lang ito na nagsisilbi sa isang pamilya na kailan man ay hindi nabanggit sa amin. May narinig ako na maharlika daw iyon pero hindi naman kinompirma kaya nakalimutan na lang.

Pero sa mga taong nagdaan, kahit na hindi binabanggit ni lolo ang mismong pamilya na iyon, inilalaan niya ang isang buong buwang pamamahinga sa mansyon na ito. Inutos niya rin sa buong angkan ang pagparito at pananatili ng kaayusan at kapayapaan sa lugar. Bigay kasi ang mansyon na ito sa kanya sa pamilya na yun. Pero kahit kailan man ay hindi siya nagkkwento ng mga bagay bagay sa nakaraan niya. Wala ring may balak magtanong dahil biglang magiiba na lang si Lolo, tumititig sa kalawan at biglang bitiw ng isang napakalungkot na ngiti. Ayaw naming nalulungkot si lolo kaya ayun.

"Sila ay malayo sa isang traydor, Aris. Sila ay mga kawal na tinitingala at sinasamba. Ang tanging bayani ng emperyo at ng banal na lupain ng Petra. Balang araw ay babalik sila. Maniningil sa mga utang na dapat bayaran. Maniningil sa mga taong dapat singilin. Isang unos na makapagbabago sa kasaysayan ng Emperyo" matigas na sabi ni Lolo at masamang tinignan ang paligid.

Napakapit naman si Hiro sa damit ko at natatakot na tinignan si Lolo. Napahawak naman ako dito at tinignan siya ng matiim.

"Lolo" nanginginig sa sabi ko. Bigla kasi akong nanlamig ng walang dahilan. Na para bang ang mga salitang binitawan niya ay nagbibigay ng masamang pangitain. Napalunok ako ng wala sa oras. Tinignan kami ni Lolo at nanlambot naman ang mukha nito. Binigyan niya kami ng isang ngiti at binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Kapag dumating ang panahon na iyon ay wag kayong matatakot. Kahit na talikuran at traydurin, kalimutan at kamuhian ng mga mamamayan ng Petra, sila ay hinding hindi magbabago. Sila ay ang Champion ng Petra. Ang bayani ng Petra. Na kahit itakwil ng emperyo at tadtarin ng mga masasamang salita ay hindi kakalimutan ang sumpaan. The Knight's Oath. Na kahit buhay ay kayang ialay para sa mga mamamayan ng walang kapalit. Tandaan niyo, Hiro at Aris. Kapag dumating ang oras na iyon, tayo naman ang tutulong sa kanila. Kahit buhay natin ang kapalit."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Petra's ChampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon