Alam niyo :*

12 0 0
                                    

" Hi Marie good morning !! Alam niyo :* " - bati sakin ni Terence na kararating lang sa room namin.

Tsk tsk ayan na naman siya sa favorite line niya -,- . Kailan ba siya titigil sa kasasabi niya sakin ng " Alam niyo " alam niyo na yan? Ano bang alam ko ha? Nakakainis lang kasi palagi na lang niyang pinagtritripan ang feelings ko sa kanya. Sa tuwing babatiin or let me refrase it aasarin niya ako palagi na lang may kasunod na " Alam niyo " sinearch ko na nga sa google yan e kaso iba naman ang lumalabas, nakaka BV tuloy >_<! 

" Ewan ko sayo Terence, tigilan mo na nga ako sa kaka alam niyo mo, nakaka BV ka alam mo yun?!! " - pataray na sabi ko sa kanya. E sa matagal na kasi akong nagtitimpi diyan sa lalaking yan e, at totoo naman ang sinasabi ko ah?! 

" Ayaw ko nga -3- , titigil lang ako kapag pumuti na ang uwak, diba mga pare ? " - sabi naman niya habang tatawa pa sila ng mga barkada niya. Tsk tsk !! wala na baliw na talaga tong mga to. (-_-  ) 7(  -_-)7

" Che !! " - ako sabay walk out. Nakakainis talaga yang Terence na yan. Pero bakit siya parin ang laman nitong puso ko? Aish! kumokorni na tuloy ako ng dahil sa lalaking iyon. Oo totoo ang nababasa niyo gusto ko nga si Terence ay este mahal ko pala siya, kailan pa? Simula noong first year palang kami. 4 years na rin akong may tama diyan sa lalaking yan, ewan ko ba dito sa puso ko sa dami ng gwapong lalaki dito sa school sa isang Terence pa talaga ako nagka gusto. Siguro ginayuma niya ko kaya ko siya nagustuhan. Pero ang tanong uso pa ba nun? Aish ! bahala na nga lang itong puso ko, siguro kailangan ko na talagang pigilan itong nararamdaman ko sa kanya bago pa ito lumala ng lumala. 

Habang naglalakad ako sa coridor ng school namin nang may biglang lumapit sa akin na isang first year student at may binigay sakin na 3 roses at may card pang nakalagay. 

" Ate ikaw po ba si Sofie Marie Sanchez? " - tanong nong bata sakin.

" Oo, anong kailangan mo bata? " ako

" May nagpapabigay nga po pala nito, para sa inyo daw po sabi ni kuyang pogi. " - sabi nong first year student sabay takbo, sayang tatanungin ko pa sana kong sino yung nagpapabigay nitong mga bulaklak at card kaso ayun tumakbo na pangit naman kung tatakbo ako dito sa coridor na nakasaya ng maiksi baka masilipan pako >_<! 

" Ahh.....s-salamat " - sigaw ko na lang. wala akong pakialam kong pinagtitinginan na ako ng iba pang kapwa ko estudyante dito sa coridor nang dahil sa pagsigaw ko, ang importante naka pagpasalamat ako sa kanya baka kasi ma sabihan pa ako na walang modo, na hindi ako marunong magpasalamat ayaw ko kaya masabihan noon. 

" Kanino kaya to galing? Pero infairness nawala ang asar ko sa binigay niya ha . :) " - saad ko habang nakangiti, pero nawala ang ngiti ko nang mabasa ko ang nakasulat sa greetings card.

" I'm sorry for what I've done earlier Marie.

I hope you can still forgive me. ALAM NIYO :* "

BY: Terence 

Kikiligin na sana ako sa nabasa ko sa first stanza kaso hindi niya ba talaga maiwan-iwan yang salitang alam niyo na yan ha? Arrgg mas lalo lang tuloy akong naiinis grrr.. >_< 

__________________________________________________________________________

Habang naglalakad ako sa may coridor nang school namin nang may bigla akong napansin. 

" Hi miss Marie! Alam niyo daw sabi niya. " - iyan ang mga sinasabi sa akin nang mga taong nakakasalubong ko sa coridor. Ewan ko nga ba sa mga eto at mukhang na saniban narin nang pagkabaliw ni Terence.

Alam niyo :* ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon