Tok! Tok! Tok!
Nagulantang ako sa mag kakasunod na katok ni Irish.
"Ano ba irish! Punyemas ka talaga!" Ganon talaga sya napakaingay ng bunganga at the same time buwisit, pero sya parin ang best para sakin, kase sya ang best friend ko.
"Anong punyemas! Aba! Malelatee kana! Tsaka duh! Sa ganda kong to ganyan ang sasabihin mo sakin! Kung hindi lang talaga kita kaibigan na sargo na kita!" Diba? Ang haba na agad ng tinalak.
"Oo naandyan na!" Buwisit.
Pag ka baba ko sinalubong na agad ako ni Sophie ang pinaka cute kong aso, may lahi sya askal HAHAHA pero cute sya.
"Hi baby! Kumain kana ba?" Hays, napakacute nya talaga.
Pagkatapos kong kumain ay dumaretso nako sa banyo para maligo at namili na din ako ng susuotin ko, plain na white shirt tsaka tokong na kulay black.
"Hoy irish! Aalis nako! Mag lock ka ng pinto!"
"Oo umalis kana at late kana! Araw araw ka nang ganyan! At tsaka-" hinayaan kona sya dahil alam ko namang ang haba na naman ng itatalak nya.
Nagmadali nakong mag lakad papunta sa kabilang kanto para sumakay na ng tricycle.
"Aba! Late ka nanaman!" Boss ko si maam Michelle, mabait sya matalak lang talaga ang bunganga, walang pinagkaiba kay irish.
"Sorry babs may banggaan kase sa amim kaya yon natagalan" babs ang gusto nyang itawag namin sa kanya, ayaw nya kasing mag mukang matanda para daw bagets, at yung banggaan syempre palusot ko lang yon HAHAHA. Hindi kona din sya hinayaan mag salita tumango lang ako sa kanya at dumaretso nako sa loob ng grocery hindi na bago sa kanila yon sanayan lang.
"Oh hi Karsen" oo yan ang pangalan ko ewan ko kung bat ganyan kinuha daw yon sa kumare ni mama na si Karen at Sen sa Risen cartoon daw yon fav ni papa.
"Hi, pogi natin ngayon ah?" Naka white shirt din sya tapos pantalon na kulay black, kahit ganon lang ang suot nya ay napaka gwapo nya, crush ko sya pero hindi halata parang wala nga lang eh.
"Lakas naten manguto ah?" At nag biruan pa kame pag katapos non ay dumaretso na sa kanya kanyang trabaho.
Taga ayos ako sa grocery ng mga paninda, minsan kase ay nakakalat ang mga chichirya dahil sa mga batang nag tatatakbo doon. Habang nag aayos ako ay may nakabangga ako.
"Ano ba yan!" Aba siga ang loko.
"Pasensya na ho" dispensa ko, pero nagulat ako ng bigla nya akong sampalin.
"Anong pasensya, bayaran mo ang polo ko! Ang panget mo para lang ikaw ang dumikit dito!" Sigaw nya pa, nang walang ano anoy sinuntok ko sya sa panga, ayun tulog ako loko.
"Anong nangyayare dito!" Sigae naman ni babs, patay ako neto.
"Ayan kase babs! Basta basta nalang nanamapal humingi naman ako ng dispensa, buwisit." Bulong kopa, pero sinamaan nya lang ako ng tingin at alam ko na ang ibig sabihin non. Yumuko ako bilang paumanhin tsaka umalis.
Punyetang yon! Hay! Kung mayaman lang ako nako! Habang nag lalakad ako may nakita akong mag tatay na nag hahabulan sa park, naglalaro. Napaupo ako ng may lungkot sa mata, pinapangarap ko maging prinsesa.
BINABASA MO ANG
True Love In Rpw
RandomDISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Isa lamang po akong bag...