Isang babae na puno ng kamalasan sa kaniyang buhay sa madaling salita ay nakadikit na ang kamalasan sa kaniya, lahat ng tao na naging malapit sa kaniya o lumalapit sa kaniya ay mayroong hindi magandang nangyayari kaya binansagan siyang babaeng kamalasan. Isang araw habang naglalakad siya sa kalye ay nilalayoan siya agad ng mga tao, dahil kilala siya ng mga ito, bilang isang malas na babae.
"Lord, kailan ba matatapos ang lahat ng ito, sawang sawa na ako , bakit pa ako pinanganak na ganito, sana hindi nalang ako ipinanganak kung ganito din ang aking mararanasan" sabi niya sa sarili niya.
Hinayaan nalang niya ang mga mapanghuhusgang tingin ng mga tao sa kaniya, at ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad sa kalye, nang papatawid na siya ay may biglang humarorot na sasakyan na papunta sa direksyon niya.
"Lord, ito na ba ang oras ko, sana gabayan mo po ako" sabi nito sa isip niya bago ito mabundol
*Boossssssshh*
Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay ang dating sinasabihan nila ng malas ay ngayon ay isa na sa pinakamayaman na tao.
"akala ko noon ay mamatay na ako, pagkatapos kung mabundol ng isang kotse pero hito ako ngayon, buhay na buhay," pagkagising ko noon ay nasa hospital ako, may nakita akung isang babae, siguro ito yung nakabundol sa akin. Iyak ako ng iyak noon kung bakit na buhay pa ako.
"bakit buhay pa ako, sana namatay nalang ako" umiiyak na sabi ko, nang sabihin ko ito ay lumapit agad sa akin ang babae at lumayo naman ako agad, dahil ayaw kong mamalasin siya.
"wag po kayong lumapit, baka malasin kayo" sabi ko sa kaniya
Pero sa huli ay lumapit padin siya sa akin, nagulat ako sa ginawa nito, kaya mas lalo akong na pa-iyak, pagkatapos ng nangyari iyon ay may inoffer ito sa akin, hindi naman ako nag alangani at pumayag ko, pinaaral ako nito, binihisan kaya narating ko ang kinalalagyan ko ngayon, malaking pasasalamat ko sa kaniya dahil ipinagtagpo kami.
"hindi naman talaga ako malas, dahil kung malas ako ay hindi ko mararating ang lahat na naabot ko ngayon, sadyang binigyan lang ako ng Panginoon ng malaking Pagsubok ko sa buhay kaya kayo pag sabihan kayo ng malas ay wag kayong maging mahina dahil isa lang yang pagsubok, kahit anong mangyari ay wag na wag kayong sumuko sa lahat ng mga pagdadaraanan niyo sa hinaharap, wag niyong questionin ang Panginoon kong bakit kayo nag kaganyan, imbis na sumuko kayo dahil sa sinasabi nila, gawin niyong inspirasyon ang kanilang ginagawa saiyo and always think positive because he is always guiding you to what you have to do.