09

7 0 0
                                    

🌘

sa gabi, ikaw ang
buwan na nakasaksi kung paano
nag-unahan sa pag
tulo ang mga butil
ng l u h a mula sa
aking mga m a t a.
ang buwan na naka
d i n i g ng a k i n g
mga hinaing nang
hindi ibinibigkas ng
aking bibig. buwan
na nagsisilbing liwa
nag kahit gaano pa
kadilim ang isipin ng
kapaligiran sa a k i n.
ngunit alam kong hindi
na dapat pa akong uma
sang ikaw ay mananahan
at mananatili pa sa aking tabi; dahil
alam kong

ikaw nga ay isang buwan,
aalis ka rin pag-dating ng araw.

-

uncomplicated version:

sa gabi, ikaw ang buwan na nakasaksi kung paano nag-unahan sa pagtulo ang mga butil ng luha mula sa aking mga mata. ang buwan na nakadinig ng aking mga hinaing nang hindi ibinibigkas ng aking bibig. buwan na nagsisilbing liwanag kahit gaano pa kadilim ang isipin ng kapaligiran sa akin. ngunit alam kong hindi na dapat pa akong umasang ikaw ay mananahan at mananatili pa sa aking tabi; dahil alam kong ikaw nga ay isang buwan, aalis ka rin pag-dating ng araw.

-

Note: View the media to see the actual shape of the poem.

Cup Of PoemsWhere stories live. Discover now