Kim Bum and Kim So Eun !
--------->>>
Bagay sila ! :D
----------
Justin's POV
Hmmm. Ang plano ko, mamaya pa kami magkita ni Sofia. Pagkatapos ng program , tsaka kami maglalakad-lakad
" Ano dude? Ready? " Nagising ako sa biglang sulpot ni Kyle
" Oo dude. "
" What made you change your mind nga pala? "
" Hmm. Babae yan no Justin? " Ngumiti si Renz na parang nang aasar
" Ewan. " Yan na lang ang sinagot ko sa kanila
Sofia's POV
" A-anong ibig mong sabihin? " Takot kong tanong kay Kae
" Kantahan mo si Justin. " Ano daw?! Hala! Hindi ko ata kaya yun
" Pinalista kita sa program, kakanta ka " Dagdag pa nya
" Hala! Kae naman eh ! "
" Kaya mo yan! Naka-mask ka naman eh. Hindi rin sasabihin ng MC yung pangalan mo " Medjo nakahinga ako
" Pang-ilan ako? "
" Bago sumayaw sina Justin, kaya tara na! bihis na! " kaladkad nya sakin papuntang dressing room
Justin's POV
" And now! May kakantang girl, humabol pa sya para makakanta! Please Come out! " sabi nung MC
May lumabas na isang babae na naka maskara, natatakpan yung kalahati ng mukha nya. Ang ganda nya.. kamukha nya si Sofia..
" Who are you going to sing for Miss Mysterious? "
" Someone who is watching me right now, and his name begins with letter J " Ngumiti sya , parang dyosa... Letter J ?
Naghiyawan mga lalake, madami may pangalan na nagsisimula sa letter J, tulad ko.
" So Ladies and Gentlemen! Miss Mysterious! "
Lahat ng tao nakatingin sa kanya habang kumakanta sya. Alam mo yung parang may anghel sa paligid dahil sa boses nya. Ang galing nyang kumanta, Love song pa yung kinanta nya. Parang ramdam ko yung pagmamahal nya dun sa J. Ang sarap siguro kapag minahal ka ng ganitong babae...
Sofia's POV
Pagkatapos kong kumanta, lahat sila nagpalakpakan at sumigaw. Halos sumabog yung puso ko sa saya. Binigay ko sa kanila ang pinakamaganda kong ngiti. Tinignan ko si Justin, pati sya pumapalakpak. Hay salamat po Lord!
" Ayan! Very beautiful na ng itsura , very beautiful pa ang boses! Thank you Miss Mysterious! I hope next time kakanta ka ulet ! Diba guys? "
Nagsagutan ng sabay sabay na " OO " ang audience.
Dali-dali akong nagbihis sa dressing room. naka black na dress ako, nakita ko din si justin naka black. Papanoorin ko pa sila mag-sayaw!
Paglabas ko , may malakas na tugtog ng hiphop ang sumalubong sa tenga ko kasabay ng mga naghihiyawan na mga babae.
" KYYYYYLLLEEEE!!! "
" REEEENZZ!! "
" ALEEEEEEEEX!! "
" MICHAEEEEEEEEEL!! "
" JUSTIN!!! "
Pati si Justin may fans na agad. Ang galing-galing nyang sumayaw! Lalong nakakainlove, alam nyo yun? Ang gwapo nya grabe. Tumingin sya sakin at ngumiti. Yiiiiiiiieee pede na akong mamatay!
" Tinignan ako ni Justin! AHHH ! " Sigaw nung babaeng kalapit ko sa kanan
" Ako kaya tinignan ni Justin! " Sigaw din nung nasa kaliwa ko
Uhm , Ako po yung tinignan ni Justin! Hay. Nung natapos yung sayaw nila, lalong nagsigawan. Grabe ingay. Sinenyasan ako ni Justin na sa dressing room nalang nila ako pumunta.
Justin's POV
Ang sarap pala nang feeling na sinisigawan ka ng mga babae, chinicheer ka. Grabe. Kanina nga si Sofia yung tinignan ko tapos yung dalawang katabi ni Sofia mag-aaway pa ata kung sino tinignan ko.
*tok-tok*
Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sakin ang Sofia na.... Alam mo yung mas maganda than usual?
" Uhm.. "
" Tara na " Nginitian ko sya. Ngumiti din sya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
So Far, nag eenjoy naman kami ni Sofia, parang medjo hindi na sya awkward sakin. Lalo na nung binigay ko sa kanya yung kwintas na napanalunan sa games. Tapos first time ko din sya napatawa. Ang ganda pala nya lalo pag tumatawa. Hindi tama, kasi mahal ko si Rhia.
Replacement lang ba si Sofia?
" Justin tara dun sa quadrangle! Parang merong party oh! " hinawakan nya yung kamay ko at hinila nya ko papunta dun
*ba-dump*
Tama ba yun? Parang nag skip ng beat yung puso ko nung hinawakan ni Sofia yung kamay ko.
Pagdating namin sa quadrangle , nagsasayawan pala sila ng yung sweet dance. Partners nga to diba?
" Gusto mong sumayaw? " Alok ko kay Sofia
" Uhm. Oo, Tara "
Hinawakan ko yung kamay nya tapos yung isang kamay ko sa may bewang sa likod. Ang ... Er, Ok lang bang sabihin to? Totoo kasi eh. Ang sexy nya.
Habang nag sasayaw kami. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa mata nya at labi nya. Nung nahuli nya ko, nginitian nya ako.
*ba-dump*
Hindi ko ata mapigilang ma-attract sayo, Sofia.
-------
Talk to me :) https://twitter.com/BitterxHopeless
Suggestions?
Comments?
Loves? ;D
BINABASA MO ANG
Hopeless Romance
Teen FictionSi Sofia ay isang Shy girl hindi sya masyadong pansinin pero maganda sya, mabait at hindi nagsasalita ng nakakasakit sa kapwa nya. One day itong si shy girl nagkacrush kay shy boy , What if si Shy Boy Justin ay hindi talaga shy boy? It turns out na...