Gusto ko maging endorser ng Jollibee bakit ba? Haha. Dejoke ;) Enjoy bebes!
* * * * * * * * *
BTM - 01
Happy Birthday Yannie, Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday Yannie!
Yan lang ang tanging rinig ko dito. Birthday kasi ng kapatid ko. and guess what?
dito pa sa JOLLIBEE ginanap. Tsss, nandito lang ako, Nakaupo. Nakatingin lang sa mga batang sayang saya, Pati sina Mama naki kanta narin :\
"Nag enjoy ba kayo Kids? Kain muna kayo. Mamaya mag lalaro tayo" sabi ng Emcee.
"Opo! Yeheyy!" Sabay sabay nilang sabi.
"Kathryn Juliana Marasigan, Anak! Kain ka na. Halika dito" Tawag na ako ni Mama. Kakain na daw ako. Lumapit ako sakanya at nagSmile.
Kumuha na ako ng mga handa. Spaghetti w/ Chicken pati Coke na panulak. Tapos may Ice cream pa! Kabataan nga naman.
Pagkatapos ko kumuha ng pagkain, Umupo ako ulit at nagsimulang kumain.
ng magsalita ulit ang Emcee, napatigil ako sa pagkain.
"Papunta na si Jollibee mga kids! Ready na ba kayo?"
"Opo! Yehey!" Sabay sabay ulit nilang sabi.
Nagkibit balikat nalang ako at nagsimula ng kumain ulit.
hanggang sa narinig ko na ang sigawan ng mga bata.
"Ayan na si Jollibee mga kids!" Nagsitayuan ang mga bata at yumakap kay jollibee meron pa ngang kumapit sa paa niya. Haha.
Uhmm. Ok, Nagkibitbalikat ulit ako at nagimulang kumain.
Nakalimutan ko magpakilala? Sorry naman.
Ako nga pala si Kathryn Juliana Marasigan, Hindi kami mayaman. Hindi rin kami mahirap, Katamtaman lang. Tawagin mo nalang akong Kath, 16 years of age. 4th year College, Masaya sa buhay. Masungit ako aminado ko. Pero hindi naman ako maarte ;) Mabait ako paminsanminsan. I hate boys. Sobra, Nagaaral ako sa M.U University Malasmas Uy University. Popular chick ako dun. Aishh, Tama na nga.
Anong ginagawa ni Jollibee, Heto sumasayaw. Aishh, parang baliw.
nagulat ako ng biglang lumuhod sa harapan ko si Jollibee, Nakatingin lahat samin ang mga bata.
nilahad sakin ni Jollibee ang kamay niya. Mascot lang naman to diba? Pero bakit nung hinawakan ko ang kamay niya parang may kuryenteng bumabalot sa katawan ko, Parang may butterflies sa stomach ko. Nilahad niya ako sa dance floor. Ewan ko kung bakit napangiti ako at sinimulang sumayaw, at ginaya siya. Sino ba to? Babae ba siya o Lalaki? Kung lalaki man siya, May nararamdaman na kaya ako sakanya?
--
BMT - 01 Done! Sorry walang prologue eh! ;)
-- KathrynDeLeon | PilyangSofiyaa