CHAPTER 7

4.8K 318 7
                                    

Chapter 7

Kahapon pa na hindi kami nagpapansinan ni Kaizer. Kapag lalabas ako para magluluto ng pagkain ay hindi siya lumabas habang napapansin ko naman nakapag nasa kwarto ako ay yun naman ang paglabas niya.

Hindi parin ba siya nakamove on sa sinabi ko ng gabi na yon?

It's already monday by the way. Linggo kahapon at inilaan ko ang buong oras para sa sarili ko. I went to church, bought some stuff and foods that I like at nanood mag-isa ng cine.

Well, Hindi naman pala ganon kalungkot kung mag-isa. It's just something is missing and I don't know what it is. Besides, I am happy for everything I decide for my life.

Pagkatapos kong maligo ay naghanda na ako ng mga dadalhin ko sa school. This is my first day of school at kailangan ay kumpleto ang lahat.

Ngayon din ang araw na makikita ko ang dalawang naging sakit sa buhay ko. Si Selena At Adrian.

Nag-almusal na ako ng mag-isa. Hindi ko na tinawag pa si Kaizer dahil wala namang dahilan para tawagin ko siya. Mas mabuti na pabayaan namin ang isa't isa para walang gulo.

Marami na akong problema sa buhay at ayoko na dumagdag pa siya don.

Bago lumabas ng bahay ay tinignan ko muna ang suot ko. Dahil wala pa naman akong official uniform at ID ay nag-white t-shirt na may brown polo sa labas at black trouser ang suot ko.

This is it Lexus,

Ito na ang araw na hinihintay mo. Ang makapasok ulit sa paaralan at makapag-aral ulit. Matagal kong pinaghandaan ang araw na ito.

Lumabas na ako ng bahay at kinandado ito. May susi din naman si Kaizer kaya magagawa niya parin pumasok at lumabas sa bahay ng hindi ako kailangan.

Maglalakad pa ako ng kaunti bago pa man makalabas dito sa subdivision namin. Habang naglalakad ay napapansin ko ang mag-asawang sabay na tumatakbo. I think they are around in the 50's at nagja-jogging sila.

How adorable to see both couples enjoying their lives without thinking about anything, but only to survive in this world.

The fact na hindi ko ito mararanasan. To have someone beside me and love me for who I am. Dahil in the end. Walang mga homosexual na sumasaya sa buhay.

Gays are one of the lonely people in the world.

And that's a fact.

Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Kaya naman pala Love Village ang tawag sa subdivision namin dahil puno ito ng pagmamahal. This is my third day here sa subdivision na ito pero habang tumatagal ay mas lalo kong na-appreciate ang gandang meron ito.

Nagring naman ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag. It's a notification from my messenger.

"Good luck baby! Alam ko kaya mo yan!"

It's from my mom.

Si mama talaga. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag akong tawaging baby. It's so cringe and overacting at the same time.

Love Blooms Under One RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon