Ang Babae sa Kwarto

7 1 2
                                    

This is just a poem I wrote out of sadness.

Do not repost to any other social media platforms!

Thou shall not steal!

-----

Pagdilat ng mga mata.. umaga na pala.

Cellphone agad ang kinakapa.

Alas dyes y medya.

Tutulala at mag iisip ng kung ano-ano
Pero ang mananalo sa lahat ay ang desisyong 'matutulog nalang ulit ako'.

Ang tamad lang diba?

Oo, alam kong halos lahat ng katamaran ay na sakin na.

Alam ko ring hindi ako nag-iisa.
Pero hindi niyo ba naiisip na baka may problema?

Kasi..

Teka, may tumulong luha sa aking mata.

Oy wag mong isipin na inaway mo ko
Wag mong isipin na kasalanan mo
Wag mong iisipin na may kasalanan ka
Wag mong iisiping..

May kasalanan ka nga ba?

Tingin ko kasi wala pero meron eh.

Hindi mo naman kasalanang masaya ka
Hindi mo naman kasalanang unahin ang sarili mo
Hindi mo naman kasalanang ang oras moy okyupado
Hindi mo kasalanan na hindi ako ang prayoridad mo

Lalong hindi mo kasalanan na hindi mo ko kilala

Oo alam ko yon
Alam ko

Alam ko pero..

Hindi ko talaga maiwasang itanong..

Bakit hindi ka marunong makiramdam?

Hindi mo nakikita na may mga taong nasasaktan na kailangan ng konteng oras.

Oras na kahit isang "okey ka lang ba?" ay nakakatulong
Oras na kahit umupo ka lang sa tabi ko at makinig
Oras ng kahit kunting kwentohan man lang

Oo oras..

Kaya nasasayang ang oras ko kakahilata buong araw sa kwarto...

Ay mali..

Para sa inyo sayang ang oras na ginugugol ko sa kwarto.

Pero para sakin hindi eh.

Kasi yun lang ang lugar na paborito ko.

Kasi yun lang ang oras na wala akong nararamdamang sakit.

Kasi sa pagtulog lang ang oras na wala akong maramdamang sakit na di maipaliwanag.

Maski ako di ko alam ang nangyayari sa sarili ko.
Magigising nalang ako na ang bigat bigat ng puso ko.

Minsan nga naiisip ko, may sakit ba ako?

Sa tingin ko wala naman akong problema..

Pero bakit hindi ko magawang maging masaya?

Oo tumatawa ako, oo mapagbiro akong tao
Pero ewan...

Hindi ko naiintindihan.

Kasi.. parang laging ang sikip ng dibdib ko.

Oh.. wag niyo kong bibiruin na luwagan ang bra ko
Kasi hindi naman ako nagsusuot ng bra pag nasa bahay ako.

At inaamin ko

May mga taong andito para sakin
Oo may mga taong andito 'kuno' para sakin.

Pero di ko magawang sabihin na may problema ako.

Kasi.. wala akong maisagot na problema.

Wala akong mahanap na sagot kung bakit ako malungkot.

Tsaka nakakatawa lang, hindi rin naman kasi nila ako tinatanong.

Pero sige na,

matutulog nalang ulit ako.

At sana sa pag gising ko hindi na lumalala to.

Sana pag gising ko...

wala nang magiging katulad kong...


ANG BABAE SA KWARTO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babae sa KwartoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon