KABANATA 11.

140 8 0
                                    

Pagkapasok ko ng kwarto ay  doon na ako nakahinga ng maluwag nguni't ang bilis ng puso ko ay hindi parin tumitigil. Napahawak ako sa aking dibdib.  Hindi parin humuhupa ang bilis nito.  Napahawak din ako sa aking mukha,  mainit ito maging ang aking tenga. 

"Gosh!!!  Papatayin ata ako sa kilig ni Kenjie!" 

Pinakalma ko ang aking sarili.  Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Dali dali akong nagtungo ng pinto,  nguni't agad din akong natigilan ng maalalang pagbubuksan ko ang pintong ito ay kwarto agad ni Kenjie ang makikita ko.

Napabuntong hininga na lamang akong umupo sa sofa.  Ang pagod na nararamdaman ko mula kanina ay biglang nawala.  Marahil sa nangyari kanina ay napalitan ito. 

Muling nanumbalik saaking ala-ala ang nangyari kanina.  Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naghalo ang kilig,  takot at saya sa puso ko.  Ang kaninang panginginig ng katawan ay humupa na rin.  Kalmado na ang aking puso maging ang aking isipan. 

Hindi ko tuloy alam kung papaano siya pakikitunguhan bukas. Nahihiya parin ako sa nangyari. 

Sa kabilang banda ay napaisip ako,  normal paba itong nararamdaman ko?  'Mayroon na ba akong nararamdaman kay Kenjie? ' Hindi ko alam kung anong tawag dito,  sa pag-iisip ko ay biglang sumagi sa isip ko si Khalil. 

Kamusta na kaya siya ngayon?  Ayos lang ba siya?  Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?  Maging ang aking mga kaibigan ay biglang pumasok sa aking isipan.  Binalikan ko ang mga ala-alang masasaya kaming magkakasama.  Naroon ang saya,  kulit maging ang tampuhan.  Hindi na naman na iyon mawawala sa pagkakaibigan.

Napatayo ako at kinuha ang upuan, inilagay ko ito sa tapat ng bintana at saka umupo. Nakapangalumbaba akong tumitig sa maliliwanag na bituin.   Napakasarap tignan niyon,   nakakaginhawa sa pakiramdam maging sa aking isip. 

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na namang pumasok sa isipan ko si Kenjie,  nguni't ang ala-alang iyon ay nagmula dito sa kwartong ito.  Tuloy ay tinanggal ko ang upuan at saka muling humiga.  Nakita ko ang ala-ala ni Kenjie habang nakangiting nakatitig sa kalawakan. Maging ang pagkibot ng kaniyang labi ay hindi ko malilimutan. Ang unang pagkakataong nalanghap ko ang mabango niyang hininga,  ang perpekto niyang mukha, ang matangos niyang ilong, mapungay na mata at ang labi niyang ka'y sarap halikan. 

Nasapo ko ang aking noo, mali itong iniisip ko,  mali itong nararamdaman ko.  Mali lahat.

Nguni't kahit ano mang gawin ko,  kahit anong sabihin kong mali, sa pakiramdam ko ay tama. 

'Nahuhulog naba ako kay Kenjie? '  tanong ko sa isip ko habang nakatingala sa maliwanag at maaliwalas na kalangitan. Bigla ay may nakita akong shooting star.  Bigla akong natawa sa aking iniisip.  Ang bituin ang siyang sumagot sa aking katanungan.

Ipinikit ko ang aking mga mata, bigla ay mukha ni Kenjie ang aking nakikita.  Napangiti ako ng makita ko itong nakangiti.  Halos mawala na ang mata dahil sa busilak ng pagkakangiti niya.  Sumilay din ang mapuputi niyang ngipin.  Muli akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kanina. 

May parte sa kalooban ko na naghahangad pa ng malaki,  nguni't may parte naman saakin na tutol dito.  Marahil sa sitwasyon naming dalawa.  Wala kami sa panahon ko para ipaglaban ang nararamdaman kong ito. 

Dahil sa panahong ito,  bawal itong nararamdaman ko.  At kahit saang anggulo mo tignan,  wala kang makikitang tama. 

Hinayaan kong mag-isip nang mag-isip ang aking sarili.  Hanggang sa dalawin ako ng antok.  Biglang nangunot ang aking noo,  bakit tila ang bilis ng aking panaginip.  Tila nakalutang ang katawan ko sa ere.  Hindi ko na ito pinansin pa kaya naman tuluyan na akong nakatulog.

Kinabukasan...

Iminulat ko ang aking mga mata,  kinuskos kuskos,  humikab.  Lahat ng ginagawa ko sa umaga ay ginawa ko. Nag-unat unat ng katawan at iba pa. 

"Good morning sunshine!! "  masiglang bati ko ng makita ang haring araw.  Nanibago ako sa aking sarili,  maganda ata ang aking paggising.   Muli akong humikab at ng pagdilat ko ng aking nga mata ay halos talunin ko ang sofa ng makita ko si Kenjie sa gilid ng pinto.  Nakangisi itong nakasandal,  tila pinapanood ang aking pagkilos.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.  Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha, maging ang aking tainga ay mainit din.  Parang gusto ko ulit magpalamon sa sementong kinatatayuan ko ngayon. 

Nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya rin ako kay Kenjie,  nakita niya ang mga ka abnoan ko.  Bigla ay gusto kong umiyak dahil sa kahihiyan.

"K-Kanina kapa r-riyan? "  utal na tanong ko sa kaniya,  nguni't imbis na sumagot ay umayos siya ng pagkakasandal sa pintuan,  magka-cross ang binti maging ang mga braso,  nakangising nakatitig saakin.   Muli akong nakaramdam ng hiya dahil sa titig niyang iyon.  Masyadong mapang-akit. 

"Kanina pa,  halos lahat nga ng iyong ginawa ay aking nasaksihan."  nakangising sabi nito,  may halong pang-aasar. Bigla ay nanibago ako,  tila nagbago ang Kenjie na nakilala ko.  I mean,  kasi dati panay ang ngiti niya,  ngayon naman ay lagi na siyang nakangisi at mukhang seryoso.  Siguro ito na ang totoong Kenjie. 

"A-Ano ba kasing g-ginagawa mo dito? " utal muling tanong ko,  hindi ako makatingin ng deretso sa kaniyang mga mata.  Dahil tila may hipnotismo ito at kayang kunin ang kaluluwa mo.

"Saka mo malalaman pagkatapos mong maligo.  Dalian mo. "  pagkasabi niya non ay tumalikod na siya,  hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala na ito. Doon na ako nakahinga ng maluwag. Nakakabaliw na ang lalaking ito, hindi ko na makuha ang ugali niya ngayon.  Pero kahit ganon ay mas gusto ko ang Kenjie na nakikita ko ngayon.

Nag-asikaso na ako ng aking sarili,  ayokong paghintayin muli si Kenjie. Nang matapos akong maligo ay agad naman akong nagtungo sa cabinet ko,  nag hanap ng maaari kong suotin.  Nakita ko naman ang pulang damit na binigay ni Hermano,  agad ko itong kinuha kasama ng pantalon. 
Nang isuot ko ito ay agad akong napasimangot, kaya naman muli akong naghanap ng susuotin. Hanggang sa makita ko ang polo ni Kenjie.  Kinuha ko ito at agad ding sinukat.  Bagay ito saakin kahit hindi ko na tupiin.  Pero dahil nga sa maarte ako,  sa huli ay tinupi ko ito.  Itinuck-in ko paloob ang kalahati ng polo at iniwan ko namang nakalaylay ang isa pa.  Nguni't napasimangot muli ako ng hindi tumugma sa pantalon.  Kaya naman muli kong hinubad ang pantalon ko at kinuha ang gunting, pinutulan ko hanggang tuhod ang pantalon,  ng masuot ko na ito ay konting tupi lang din ang ginawa ko at namangha ako sa aking nagawa.  Umikot ikot pa ako sa harapan ng salamin.   Tuwang tuwa sa naging resulta ng aking pag DIY.  Nagmukhang vintage ang aking suot.  Kung dala ko lang ang phone ko ay swak na itong pang instagram.  Muli kong inayos ang aking sarili ng marinig ko ng kumatok si Kenjie. 

"Bakit ganiyan ang iyong kasuotan?  Hindi normal? Ano ang ginawa mo?"  takang tanong nito,  lumapit siya saakin at kinuha ang pinagtapyasan ng pantalon.

"Pinutulan ko,  hindi bagay saakin eh." tugon ko naman.  Nanguno't naman ang noo nito.

"Ang sagwang tignan."  aniya, bigla tuloy akong na hurt. 'Walang appreciation sa fashion huhu.' 

Tuloy sa sinabi niyang iyon ay bumaba ang level ng aking self confidence.  Mga 0.1% lang naman ang binaba,  pero nakaka hurt ng feelings.

Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi niya bagkus ay siya naman ang pinasadahan ko ng tingin.  Naka white tshirt siy at fitted din ang suot na pantalon.  Naka tuck-in paloob ang kaniyang damit habang ang belt niya ay lantad.  Ang angas niyang tignan sa suot niya,  para siyang model ng isang brand ng damit.  Ang hot niyang tignan sa suot niyang iyon.  Ngayon ko lang din siya'ng nakitang ganoon ang suot. Mukhang pinaghandaan. 

"Paano ang Kainan? "  tanong ko ng makasakay kami sa kalesa. 

"Hindi muna nagbukas si Ina, gusto niya raw muna tayong magpahinga ngayon,  malaki naman daw ang kita ng Kainan, kaya wala naman daw dapat na ikabahala para rito."  paliwanag nito at muli na naman akong napatitig sa kaniya. Ang ganda ng pagkakaayos niya ng buhok niya,  bagay na bagay sa kaniya,  lalo siyang gumwapo dahil sa suot nito.  Tuloy ay hindi ko maiwasang hindi kiligin.  Ikaw ba naman ang makasama ng ganito ka gwapong nilalang eh sinong hindi kikiligin.  Siguro nga kung nasa panahon ko lang itong si Kenjie,  siguro artista na ito at totoong sikat,  maraming magkakagusto sa kaniya dahil sa taglay niyang kagwapuhan bonus pa ang magandang pag-uugali na siyang ikinatu-Turn on ng karamihan.

Memories Of Pain (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon