All Rights Reserved..
------------------------------
A//N : Yan dedicated kay bisprin.. XD kasi tinulungan nya ko mag-isip ng title. Ganda nuh? Hahaha. XD
-------------------------
Jandrei's POV
"Loves, bat ganyan itsura mo? Di maipinta."
"Galing mo kasi magpinta ehh. Hahaha. Joke." - Moira
"=_= oh bakit nga ganyan yung itsura mo? Parang malaki problema mo ahh. Anu bang meron?"
"May iniisip lang ako." - Moira
"Sino? AKO??"
"Wehhh? Hahaha. Oo na, ikaw na. Kasi nga mahal kita. Yieeee. Kinikilig ka na naman. Hahaha." - Moira
"Syempre, galing sa mahal ko ehh. Pero anu nga problema mo?"
"Family." - Moira
"Ahh sige, to private."
Si Moira. Girlfriend ko yan. 10 months na kami. 4th year high school na kami. Hayy naku mahal na mahal ko yan ehh tsaka monthsary namin bukas. So, 11 months na kami. Lapit na mag-one year nuh. Anniversary namin! XD May surprise na nga ako sa kanya bukas ehh. Syempre secret lang yun. XD
"Loves uuwi na ko. pinapauwi kasi ako ni mama ng maaga eh." - Moira
"Sige hatid na kita. Tara."
Hinatid ko sya hanggang sa bahay nila. Alas-singko narin nung nakarating kami dito.
"Sige loves, pasok na ko." - Moira
Tumalikod na sya, papasok na sana sya ng gate nila pero hinila ko sya pabalik at niyakap sya. hindi ko naman kasi masyadong nayayakap kasi nasa public na lugar kami sa school.
"Uyy. Ang higpit ahh. Miss mo ko agad?" - Moira
" Syempre, mahal na mahal kita ehh."
"Ayiee ang keso mo ahh." - Moira
"Mahal lang kita."
"Oh sige na, papasok na ko. umuwi ka na mag-gagabi na oh." - Moira
"Yes boss!"
Kumawala na ko sa pagkakayakap ko sa kanya at hinalikan sya. matagal din yun. Ramdam mo na malungkot siya. Alam ko may problema, pero sabi nya sa family daw.
Bago sya pumasok lumingon muna sya sakin.
"I love you, loves." - Moira
"I love you too, loves."
Hinintay ko muna siyang makapasok ng bahay nila bago ako umalis.
Tapos umuwi na ko.
Bukas na yung monthsary namin. May ibibigay ako sa kanya.
*kinabukasan*
Paggising ko wala man lang ni isang text si loves. Baka naman hindi pa sya gising o walang load. Hindi naman kasi kami matagal na nagkatext kagabi dahil may aayusin daw sya yung problema kaya hindi ko na sya inabala hanggang sa nakatulog ako. Kaso yun nga wala pa rin syang text..
Maaga akong pumasok,, para hintayin si Moira. After ilang minutes, malapit nang mag-time wala parin sya. hanggang sa dumating yung adviser namin, absent ba sya ngayon. Anu ba yan monthsary pa naman namin ngayon.
BINABASA MO ANG
A Favor (One-Shot Story)
Teen FictionPag inawan ka nang mahal mo nang hindi mo alam ang dahilan, at hindi niya sinabi sayo tapos bigla syang bumalik sayo. Tatanggapin mo pa ba sya? Mamahalin mo pa ba sya? O itataboy mo palayo sayo? Sa huling pagkakataon ba eh, tutuparin mo ang hiling n...