CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Click on the Media section para mukhang webtoon feels. Anyways, have a Miao reading!



Chapter 3: Black


Walang masyadong nangyari matapos ang araw na iyon. Nabibilang ko nalang sa daliri ko kung ilang beses umuwi dito si Narciso.

Kung hindi maglalasing ay magpapalit lang ng damit at aalis ulit.

Well, it's good for my part though. I can practice spells without getting noticed.

It's convenient, though, I never perfected any spell at all. Kung hindi tunaw na ginto ay chunks of rubies or easter eggs with inedible candies inside.

Ilang beses ko nang nagamit ang pristinam dahil sa dami ng pagkakamali ko. Laking pasalamat ko nalang na hindi natataman o nababasag man lang ang mga salamin sa tuwing nagwawala si Narciso.

Naalerto ako ng makarinig ako ng kalabog. Sumunod ang kalansing ng mga kutsara at sandok, natitiyak kong galing ito sa kusina.

Hinanda ko na ang aking sarili sa maaaring mangyari. Baka mabasag ang mga salamin at kung mamalasin ay baka mapasama ang salamin ko sa mababasag.

Tahimik akong nagdasal sa Diyosa ng Buwan. Kahit sinabi ng mga oracle na patay na ang Diyosa ay hindi ako naniniwala. Pakiramdam ko ay binabantayan niya lang kami. Afterall, we are still part and product of her creation, kahit na pagkakamali kami na dulot ng kanyang pagkamatay.

Tinakpan ko na ang aking bibig nang may maaninag na anino. From my perspective, it's coming towards here.

Pinaningkitan ko ng mata ang anino at napagtantong anino ito ng pusa. Nakahinga ako ng maluwag ng makumpirma nga ng mga mata ko na anino ito ng pusa.

The cat seems to be familiar. Huminto ito sa lugar kung nasaan ang mga salamin. Inilibot pa nito sa paligid ang kanyang ulo, tila may hinahanap.

Nahinto ito sa direksyon kung saan ang aking salamin.

Nagkatinginan kami.

It seems like the time stopped for a bit. At doon ko naalala kung bakit familiar ang pusang ito.

It's Black!

"Black! You've come!" Tila naintindihan nito ang aking sinabi at lumapit ito sa aking salamin.

He rubs his body towards the mirror frame as he purrs.

My lovely kitty has grown up. And he found me! May pag-asa pa akong makalabas now that I've got a reason to get the hell out of here!

Pero natigil ang mala-reunion ceremony namin ng biglang bumukas ang ilaw. Bigla akong nakaramdam ng takot para kay Black. He might get caught! baka kung ano ang gawin sa kanya ni Narciso.

But all of those worries faded when Black jumped towards my mirror. Waiting for a shattering sound, I heard a purr. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

Black just jumped inside my mirror!

"How did you do that?" Manghang tanong ko sa kanya. He just answered me with a soft meow.

Pareho kaming napalingon sa labas ng salamin ng makarinig kami ng mahinang kalabog.

Agad ko siyang kinuha at pumunta muli kami sa pinakamalalim at pinakadulo ng salamin, ngunit may sapat pa rin na siwang upang makita ko kung anong nangyayari sa labas.

Mirror Mirror |Hybrid Series #4|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon