Kabanata 01 : Desperasyon
"Parker, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" Ani inay.
Matamis akong ngumiti sa kanila. Alam kong nag-aalala sila at labag sa kalooban nila ang aking desisyon pero mas matimbang ngayon sa'kin ang kahilingan ni itay.
"Ate, mag-iingat ka doon. Huwag mong kalimutan na isa kang tunay na babae." Niyakap ako ni Jane at muli na namang umiyak.
"Hahaha iyakin." Sabi ko. "Ikaw Jake, may sasabihin ka pa ba? Aalis na ko."
Lumapit siya sa'kin at tinapik lang ang aking balikat. Kumpara kay Jane na panay iyak tuwing pipilitin akong huwag umalis, si Jake naman nagalit sa'kin, sa katunayan nagkaroon pa kami ng alitan noong isang araw. "Wala naman... 'wag ka lang tutulad kay itay." Aniya.
"Kung gano'n aalis na 'ko. Jane, Jake, huwag niyong pababayaan si inay. Nay, huwag po kayo masyadong mag-alala sa'kin babalik naman po ako, pangako."
Natitiyak kong babalik ako ng buhay dahil kasama sa kahilingan ni itay ang manatili akong buhay habang nasa misyon.
*
Hindi matigil sila inay at mga kapatid ko sa pagtangis lalo pa nang mabasa nila ang liham ni itay. At hindi ko gusto makita silang nagkakaganoon.Ngayon pinili kong tumambay dito sa likod ng aming bahay. Hawak ang liham ni itay para sa'kin nakatulala lang ako sa kawalan. Pinag-iisipan ko pa kung babasahin ko ba 'to dahil kung pamamaalam naman ang laman nito, ayoko. Masyado ng mabigat ang nararamdaman ko.
Sa kabilang banda baka may mahalagang mensahe sa'kin si itay. Napabuntong hininga ako. Mas mainam na sigurong basahin ko ito, ayoko namang sayangin ang oras na ginugol ni itay sa pagsulat nito.
Binuksan ko ang sobre.
-----
Ngayong binabasa mo ito humihingi ako ng patawad; batid kong ako'y nabigo. Hindi ko natapos ang layunin sa loob ng misyon at hindi na ako nakabalik sa ating tahanan.Parker, anak, ikaw na lamang ang pag-asa ko. Hindi ko hihilinging palitan mo ako bilang haligi ng tahanan bagkus ipagpatuloy mo sana ang aking layunin.
Iwan mo ang nayon at mamuhay ka bilang si Parker na lalaki. Pumasok ka sa militar at sumali ka sa espesyal na hukbo ni Pinuno. Kapag nagawa mong makasali sa misyon nila ipangako mo na mananatili kang buhay hanggang sa matapos mo aking layunin.
Alam ko na sa kahilingang ito malalagay sa panganib ang buhay mo at madudungisan ng dugo ang iyong kamay subalit hindi lang naman ito para sa pansariling layunin gusto ko ring makilala mo ang iyong sarili.
Gayon pa man, mabigat itong ninanais ko pero nasa sa iyo pa rin ang pagpapasya. Masaya ako anumang landas ang iyong tahakin. Maaring mag-iba ka ng daan pero natititak kong sa gubat pa rin ang iyong punta.
Mag-iingat ka, Parker
Nagmamahal, itay.
-----Naiwan akong tulala. Marami akong hindi naunawaan sa mensaheng ito ni itay. Pero isang bagay ang nakita ko; napakahalaga ng kaniyang layunin sa loob ng misyon na itinalaga niya ang sariling buhay para rito.
BINABASA MO ANG
Der Wald
FantasyParker der Wald, nagbihis binata at sumuong sa madugong misyon ng nagbabadyang digmaan. Natuklasan niya rito na ang buhay ng isa ay maaaring pantubos sa buhay ng iba... "May kapangyarihang hindi naaagaw ng iba, at ang nagtataglay no'n ang tunay na m...