PROLOUGE

1.2K 32 3
                                    

PROLOUGE:

Shenaika”s POV

“Best, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?” Tanong ng Bestfriend kong si Tricia. Kasama ko siya papuntang Library dahil andun ang TARGET ko.

“Kailangan e. Ayoko naman maalis as cheer leader diba?” malungkot kong sagot sa kanya.

“Osiya sige. Dito na lang ako sa labas ha? Carrybells mo na yung best. Goodluck BFF!” Niyakap ko siya bago pumasok sa loob.

Ng makapasok ako sa loob, Nilibot t ko agad ang aking mga mata sa bandang dulo para mahanap si Mr. Nerd. Di nga ako nagkamali dahil nandoon nga siya. Mag-isa na naman at may hawak na makapal na libro.

“Hi.” Tumabi ako sa kanya. Tinignan niya lang ako. Aba! Snob ang kagandahan ko? Di ata pwede ito. Ako ang pinakasikat sa school nato tapos isang nerd lang ang di papansin sakin? Oh no! Pero kalma lang dapat baka masira pa ang mission ko e. Tsk. Game na ulit.

“Hello.” Bati ko ulit sa kanya. Pero nakatututok lang ang mata niya sa mala-encyclopedia niyang libro. HAHA. Joke. Ewan ko ba naman kase kung anong itatawag ko dun sa napakakapal na book a yun e. >.<

“Di mo naman ako pinapansin.” Sinabi ko ng kinuha ko ang librong hawak niya. Dito na siya napatingin sakin. BWAHAHA. Tagumpay ako!!!! Di pa pala. Di ko pa kase siya nagiging boyfriend e. :(

FLASHBACK

Nasa locker room kami para magbihis dahil kakatapos lang ng practice ng mga cheer dancer. Malapit na kase yung Intramurals kaya todo-todo na yung practice namin e.

“Shen, nabalitaan ko na papalitan ka na daw bilang leader naming ah?” Nagulat ako sa sinabi ni Jen, isa sa mga kaibigan ko kapag cheering. Tama kayo sa nabasa niyo. KAIBIGAN KO LANG SIYA KAPAG MAY CHEERING! I’ll make kwento some other time readers.  Kase naman e. Nawindang talaga ko sa sinabi niya. May papalit saki bilang leader? A big, big NO! Pinaghirapan ko kaya tong posisyon nato.

“San mo naman nabalitaan yan ha? Tsismis lang yan e.” Sagot ko sa kanya habang nagsusuklay ng buhok.

“Totoo nga talaga. Sabi ka ni Ma’am Garan, kami daw maga-approve e.” Sagot naman ni Bella (nanunuod kase ako ng breaking dawn nito e) na bestfriend ni Jen.

“Alam ko naming kahit anong  mangyari, ako pa din ang iboboto niyo e.” Pagpapalakas ko sa loob ko e.

“Nakakasigurado ka ba?” Sabat naman ni Janet. Ang pinaka-ayaw ko dito. Halata mo kase na inggit siya sakin e. :P Oh well, alam ko naman na mas magaling ako sa kanya e. HAHAHA.

“Bakit mo naman nasabi yan ha?” Naiinis na sagot ko sa kanya.

“Nagsasawa na kase kami sayo e. Kaya kung may bagong pwedeng ipalit sayo, baka siya ang piliin namin. Diba girls?” Sabay-sabay na tango ng mga malditang babae na nandito. Anong gagawin ko? Ayokong mapalitan.

Nasa kalaliman ako ng pag-iisip ng bigla ulit siyang nagsalita…

“Iboboto ka naming sa isang kondisyon.” Ngumiti siya ng nakakaloko sakin.

“At ano naman yun?” Pagsusungit ko sa kanya.

“Kailangan maging boyfriend mo si Andrew.” Sabay tawa ng malakas.

“Kailangan ko lang palang maging boyfriend yun e. Sure!” Mabilis na pagsang-ayon ko sa kanya. Pero teka. Sino daw ulit? Si Andrew ba? Iisa lang naman ang kilala kong Andrew e. Yung ano…..

“Tekaaa! Si Andrew?! As in yung NERD ditto sa school?!” Pagsiagw ko sa kanila. At wala silang ibang sinabi bago umalis kundi ang tumawa. So ibig sabihin, yun nga…….

END OF FLASHBACK

Naalala ko na naman kung bakit ako nandito. :( Ano ba naman kaseng galit sakin ni Jen. Siya kayang pagawin ko neto. Huhu. Ang hirap naman kase e.Pero para ipaalala ko sa kanila, si Shenaika ata ito. Ako ata ang babaeng walang inuurungan.

“Ms. Pwede mo na sigurong ibalik yang binabasa ko.” Pagpukaw ni nerd este Andrew sakin.

“Kapag ba binalik ko sayo to, papansinin mo na ko?” Paglalambing ko sa kanya na nagpakunot sa noo niya.

“Humiram ka na lang ng libro dun sa librarian.” Pagsusungit niya sakin. Ibang klase talaga tong lalaking to ha? Sige lang. Lalo lang ako nacha-challenge sayo.

“Share na lang tayo sa libro mo.” Paghawak ko sa kamay niya na ikinagulat niya. Bakit ganun? Parang may kuryente? O.O

“Okay.” Napakahabang sagot niya sakin.

“Alam mo ba gusto kita. Gusto mo rin ba ko?” Paglapit ko ng upuan sa kanya. Alam kong ikinagulat niya ang sinabi at ginawa ko dahil bakas ito sa mukha niya. Ang cute niya lang! Wait. Anong sinabi ko? :o Siya cute?! NO WAY!

“Ayoko sa mga babaeng nagsusuot ng sobrang igsi na short. Ayoko sa babaeng maarte. Ayoko sa babaeng makapal ang make-up. Ayoko sa babaeng mayabang. In short, AYOKO SAYO.” Monologue niya bago umalis. Naiwan akong nakatulala. Ano daw? Ayaw niya sakin? Tama ba yung narinig ko? May taong ayaw sakin? At si nerd lang yun? Di ko ata matatanggap yun a. Humanda ka sakin Andrew Concepcion.........

Mr. Nerd meets Ms. Cheerleader &lt;3 ( ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon