Naging magkaibigan na kayo ni Lee Donghyuck simula noong itinabi ka ng iyong adviser sa kaniya dahil pareho kayong malabo ang mata.
"Oi Lee, magbabago daw buhay ko kapag nakatabi kita sabi ni ma'am. HAHAHAHA!" Bungad mo sa binatang medyo nagulat sa inasta mo.
Sa una ay napansin mong tahimik ito at parang matured?
Ngunit nawala lahat ng iyon nang makilala niyo pa nang mas maigi ang isa't isa.
Naging komportable ka sa kaniya, di gaya ng iba mo pang lalaking kaibigan. Ang iba ay naiilang sa mga walang malisya mong yakap at kulit sa kanila ngunit iba si Hyuck. Naging konportable din siya kaagad sa iyo.
"Mariel, may portfolio ka na?" Tanong mo sa kaibigan mo na katabi mo sa iyong kaliwa.
"Siyempre wala pa, tinatamad pa 'ko," tugon naman nito.
"Eh ikaw, Hyuck? Meron ka nang portfolio?" Harap mo naman sa katabi mo sa iyong kanan.
"Oo naman. Hulaan ko, ikaw wala pa 'no?" Iling niya sa iyong katamaran.
"Hayss, kilala mo talaga 'ko. HAHAHA!" Sabay yakap sa kaniyang braso na muli niyang ikailing.
Nagpatuloy ka nga sa komportable mong mga aksyon sa kaniya.
Ngunit isang araw, habang sinusubukan mong matulog sa malambot na sleeves ng kaniyang jacket, ay parang napansin mo na iba ang tingin niya sa iyo. Na para bang gusto kang alagaan ni Hyuck. Halata sa mga mata nito na matindi ang pagmamalasakit niya sa iyo.
Ngunit hindi mo na lamang iyon pinansin.
Nagkaroon ka ng crush. Si Jisung. At sinabi mo iyon kay Jess at Mariel na iyong mga kaibigan ngunit di alam ni Hyuck kung sinong crush mo.
"Ang cute cute mo, Chenle!" Pinisil mo ang pisngi ng kaklase mo. Ang bait niya at makulit din kaya't nagkakasundo kayo pero hindi pa rin gaya ng samahan niyo ni Hyuck.
"Jana," napalingon ka sa gawi ni Hyuck.
"Si Chenle yung crush mo, 'no?" Pang-aasar niya sa'yo.Nagulat ka naman at dineny ang kaniyang sinabi kaagad.
"Hindiii! Tanungin mo pa si Mariel. Mariel! Si Chenle daw crush ko oh. HAHAHAHA!" Tawag mo sa babaeng nagddrawing.
"Hindi HAHAHAHA Hindi si Chenle yun!" Sagot naman ni Mariel sa inyo.
Nagkaroon bigla ng Community Quarantine sa inyong rehiyon dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mamamayan na may COVID-19 na dahilan ng biglaang pagtatapos ng klase.
May nagsend ng link ng compatibility test gamit ang pangalan mo at ng iyong crush sa isa mong gc.
Ginamit mo iyon at inilagay ang pangalan mo at Jung Jaehyun.
Pagkaenter mo ng inyong pangalan ay biglang sabi ng site na naipadala na ang pangalan mo at ng iyong crush sa nagsend ng link.
Buti na lang si Jaehyun nilagay ko!
Pagkatapos mong isend sa gc niyo yung prank link, naghintay ka ng kaunti at binuksan ito.
Hyuck and Jana
Mariel and Hatsune Miku
Althea and EthanBinasa mo nang paulit-ulit pero lalo mo lang napagtatanto na totoo nga ito.
Di kaya pinaprank lang ako nito?
Pero parang hindi naman...Irereject ko ba siya nang deretsahan? O medyo lowkey muna? Anong gagawin kooo!?
Paano mo sasabihin ang nararamdaman mo? Na hindi mo siya gusto?
Ilang minuto din ang lumipas at hindi pa rin niya itinatanong kung ano man ang gusto niyang tanungin kung kaya't iniwan mo muna ang iyong telepono upang kumain ng agahan.
Medyo nakonsensiya ka sa mga nasabi mo. Masyado bang straightforward? Pero yun naman talaga dapat para hindi na siya umasa...
Hindi mo alam ang mararamdaman mo. Iniisip mo na kaibigan mo pa rin siya at dapat ay walang magbago kapag nagkita ulit kayo sa pasukan pero hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya.
Kaibigan ka pa rin ba niya? O baka naman ay naiilang na siya sa'yo?
.
.
.
Nasa twitter ko po yung complete oneshot. Gusto niyo pa ba na ilagay ko yung link? Just comment! By the way, thank you for reading this kahit hindi kumpleto.
BINABASA MO ANG
For me
RandomI will publish the narrations here for my aus/oneshots on twitter and screenshot them hehe