Call It Love, Author

1.2K 16 15
                                    

Call It Love, Author

Let’s not make this a novel-like or yung parang karaniwang story na nababasa natin na may chapter 1, 2, 3 and so on. Let’s make this a “friendly-like conversation,” yung parang tayo lang dalawa ang nag-uusap. O kung may ka-share ka man sa pagbabasa ngayon, eh di tayo. Friends na tayo ngayon ha, because these are facts, not a fictionalized story.

Inspired ako ng Barangay Love Stories (Woohoo, ad fee naman diyan! Wala akong pambili ng cornetto eh!) at ng story na “The Novelist” ni pretty ek ek, hindi ko na maalala, sa paggawa ng story na ito habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko at habang hinihintay na makaramdam ng gutom. Wala lang, trip lang. Kumbaga, trip lang talaga. Wala na akong masabi.

Okay, let’s now start my precious story... Kung gusto nyong malaman. But before I start, ang mga names po na gagamitin ko eh edited na, which means hindi po ang mga name na babanggitin ko ang mga totoong mga pangalan ng mga taong nasa istorya na ito. Gagamit na lang po ako ng mga “spare names” (Wow, sosyal, spare names, pauso ako). They deserve some privacy. Mala-showbiz din sila eh. But the whole course of events, well, totoo yang mga yan. Walang halong dagdag or bawas whatsoever. Gaya-gaya ako sa isang kaklase ko eh (Oy Abi, peace ^_^V)

Okay. Now here how the story goes... And sorry for the typographical errors. Haha.

Diba ang mga author ng mga istorya, karaniwan buhay ng iba ang sinusulat nila?

Karaniwan buhay ni ganito, buhay ni ganyan.

Minsan fiction pa.

Pero paano nga ba kung istorya niya mismo ang isusulat niya?

Unusual diba?

But let’s make it usual, because the author has other plans...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lecheng pag-ibig diba? Hindi ba pwedeng maging perpekto kahit minsan? Lagi na lang okay, lagi na lang nasa tama, pero perpekto ba? Hindi diba? Kasi sa pag-ibig, laging may nasasaktan: laging may nananalo, laging may natatalo. Parang double effect lang sa accounting. Pero saang panig ka ba? Sa nasasaktan, o sa nanalo?

“What makes love interesting is it’s really complicated. Complicated man ang accounting, complicated man ang philosophy, at complicated man ang law, aminin natin, kung tatanungin ka kung ano ang pinakacomplicated na bagay sa mundo, anong unang isasagot mo?”

--- The Author.

~O~

August 13, 2010

Umagang-umaga, ganito na agad.

Nasa harap ako ng gate ngayon. Yeah, nasa harap. Ang aga pa lang, pagtingin ko sa relo ko, 6:21 pa lang. Ang aga ko kasing pumasok eh. Hindi na bago kung mga 6:10 eh wala na ako sa bahay. Nakasanayan ko na rin kasi na maagang pumasok, kahit grade 1 pa lang ako, 6:15 pa lang, magpuprusisyon na ako papuntang school. Eh since Fourth Year high school na ako eh may changes in schedule. Since mas malayo ng 6 barangays yung school namin mula sa bahay namin eh mas maaga na akong nagigising. 4:45 pa nga lang ng madaling araw, gising na ako para manuod ng balita eh. Para na akong matanda. At tsaka isa pa, kaya maaga rin akong pumapasok eh ayaw na ayaw ko kasing nale-late ako, kahit nga ba 8 minutes lang ang biyahe mula bahay papuntang school (Wala kasing traffic sa amin) eh maaga pa rin akong pumapasok. Nage-aim yata akong mabigyan ng “Most Punctual Award” sa Recognition Day kaya maaga akong pumapasok, isang tao lang kasi ang mabibigyan nun, kahit na four year levels at more than one thousand din kami sa school.

Okay, back to the story. Yeah, andito nga ako sa harap ng gate ng school namin. Alam nyo kung bakit? Kasali kasi ako sa contest. Yeah, you read it right. Kasali ako sa isang quiz bee, a science quiz bee to be specific. Sa totoo lang, nagulat ako na ako ang ilalaban ng school sa science quiz bee for the fourth year level. Dahil sa totoo lang, hindi naman ako the best eh. Kumbaga, academically, I’m not the best. Yung Top 2 namin eh sa Science Trivia kasali, tapos kung sino pa yung nangunguna sa klase eh yun ang hindi contestant. Ayos diba? Pauso yung school namin. Yun nga, pangatlo lang ako sa class ranking, at sa hindi ko malamang dahilan eh ewan ko nga ba kung bakit ako third. Ewan lang. Tamad kasi ako eh. Super. Kahit nga assignment sa Math, hindi ko nagagawa eh, tapos magti-third ako? Ano naman yun? At tsaka hindi naman talaga ako “matalino” literally. Kumbaga, parang marunong lang ako, pero wala akong alam. Gets? Kung hindi, pakamatay na kayo. Joke ^_^V

Call It Love, AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon