Life as it is

1 0 0
                                    

Rona's POV

Isang umaga na naman na puno ng kabusyhan. Madaling araw pa lamang ginising na ako ng ina.

"Rona, kailangan natin bumili ng bigas, may pera ka pa ba diyan?" malumanay na sabi ng inay.

Bumangon ako at kinuha ko ang wallet ko na may positbong mukha.

"Salamat anak, wala na kasi akong pera, may gamot pa ako na kailangan kong inumin"

 Bumalik ako uli sa higaan ngunit, naalala ko mayroon pa pala akong kailangan gawin. Kaya inopen ko ang aking messenger.

Ding,ding, ding, ding, di.........

Ang dami daming messages at concerns, may mga personal, may mga tungkol sa trabaho. Ang dami pero laban lang. May mga iba pa na nag me-message ng naka capital letters lahat, hindi ko alam kung sinisigawan ba nila ako o talagang ganyan lang iyung settings ng pad nila. hahays..

Minsan, ang sarap sabihin sa kanila na "Please bear with me, figuratively think of the ratio between I and them" Ang sarap mag wala minsan, hindi ko na alam. Mahirap ang mag isa sa mundong puno ng hagupit ng kaguluhan at kahirapan. Sana, sana, isang araw magiging maganda na naman ang gising ko sa umaga. 

Iniisip ko na lang, these are all means to an end. Isang araw makakahinga rin kami ng maluwang.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almost Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now