Prologo

0 0 0
                                    

Kahit pagod at pawisan ay tuloy parin ang takbo namin sa madilim na kagubatang ito. Mapuno, madamo, at madaming sangang nakaharang pero kahit ganun ay tuloy parin kami sa pag takbo. Nararamdaman ko ang mga maliliit na sugat na paa at binti ko na nagmumula sa mga damong nadadaanan namin. Tanging ang sinag ng buwan na sumisilip sa makakapal na sanga at dahon ang nagsisilbing liwanag namin.

" Malapit na sila dalian mo!" sabi ko habang patuloy na tumatakbo hawak hawak ko ang kamay ni Cesnie na kanina ko pa hindi binibitawan.

Di ko alam kung kabaliwan mang isipin pero ang kabang nararamdaman ko na baka ay may kasalanan excitement. Para kase sa akin ay bagong karanasan ito.

"Dito tayo!" hinila ko si Cesnie paliko ng may makita akong isang malaking bato para magtago.

" Makikita nila tayo dito! " pabulong na sabi niya. Na kahit sa kokonting liwanag ay kitang kita ko ang paglaki ng butas ng ilong niya. hehehe Tumingala ako sa malaking punong katabi ng bato na kinaroroonan namin.

" eh kung umakyat kaya tayo dyan sa puno. Siguro hindi na naman nila tayo makikita." sabi ko.

Sabay kaming napatingin sa paparating na liwanag na papalapit sa gawi namin. Na unang umakyat si Cesnie. " Dali nandyan na sila!" pagmamadali ko pa sa kanya.

" Anak ng.. sandali naman ah! Hindi naman ako si Tarsan para makaakyat agad." sabi niya habang hirap na umaakyat, pag-akyat niya sumunod naman ako.

Di nagtagal nakita ko na ang mga humahabol sa amin. Huminto sila malapit sa pinagtataguan namin. Dalawa silang may hawak ng kahoy at Tatlo naman ang may hawak itak at isang may hawak ng gasera.

"Mga damuho!! Saan nagtungo ang mga yun? Hindi sila maaring makalayo, nasaksihan nila ang ating ginawa . Hindi maaaring may makaalam niyon." narinig kong sigaw ng kanilang pinuno.

" Hanggang dito lamang ang mga bakas !" sabi ng isa sa mga alagad. Nagkatinginan kami ni Cesnie dahil doon. Naghahanda na sa maaaring mangyari sa oras na malaman nilang naroon lang kami. Siguro ay dahil sa mga nahawing damong dinaanan namin kaya kami nasundan.

" Hindi pa nakakalayo ang mga yunn, hanapin niyo!"

LAGOT! mukhang mapapalaban kami nito ng wala sa oras..

SA KABILANG DAKO

" Nasaan na ba yung dalawa?" nagaalalang tanong ni Zach sa mga kasama nito. Naroon sila sa tabing sapa dahil doon ang na pag usapang lugar kung saan magkikita kita kung sakali mang mabuliyaso ang kanilang plano na nangyari nga.

" Baka nahuli na ang mga yun! o kaya na tuka ng ahas. Madami pa naman nagkalat na ahas dito sa gubat." sabi ni Lian. Nandito na ang lahat maliban sa dalawa, nang magkagulo kanina ay na iba ang tinakbuhan nito kaya na pahiwalay sa kanila.

"Lol ka! Manahimik ka na nga lang dyan di ka nakakatulong." pikon na sabi ni Zach.

" Relax pre! Ito nag ka girlfriend lang naging pikon na. Nagbibiro lang naman ako eh! Hindi mo gayahin si Jami oh! Relax lang." sabay tingin at akbay sa katabi nito. Ang iba sa kanila ay nakasandal sa puno.

" Ang pinagtataka ko lang. Sino pa ang hinahanap nila ? Eh sila na nga ang pinaka makapangyarihan sa buong lugar?" pakikisali ni Neil sa usapan. Yun din ang pinagtataka ng iba sa kanila.

" Naalala niyo yung kweninto ni manag Flore. Nabanggit niya na bago daw naghari ang mga Arinos, may apat na namumuno sa lugar na ito. Hindi na naituloy ni manang Flore dahil dumating ang mga mga kawal." paliwanag naman ni Faithy. " Hindi kaya may kinalaman yun doon."

" Yan ang dapat nating alamin." sabi ni Zack. Sumang ayon naman ang iba dito.

Unknown WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon