KRYSTINE POV's
Nagising ako sa malalim na pagkakaidlip dahil sa ingay na naririnig ko. Nang tingnan ko ang labas mula sa binta ng kotseng sinasakyan ko ay halos hindi na makita ang kapaligiran dahil sa makakapal na hamog.
" Malapit na tayo, konting tiis na lang i abot mo na yan dun." napa baling ang tingin ko kay Lian ng may bahid ng iritasyon na nagsalita.
" Ihing ihi na talaga ako eh!" pakikipagtalo naman ni Mitch dito. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Matindi rin ang dalawang to hanggang dito ba naman nagbabangayan pa rin. Nang lingunan ko ang mga kasamahan namin ay mahimbing pa ang tulog. Hindi man lang nagising sa ingay ng dalawa.
" Ano ka ba naman Mitch, bakit hindi ka pa kase umihi kanina sa gasoline station."
" Hindi naman ako makaihi kanina, tska nung nagpagasulina ka tulog ako. Okay!"
" Ah basta! Pigilin mo yan. Tska wala karin naman iihian dito eh puro bukid nato."
" Kase naman eh!" nakasimangot na sabi nito. Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin na lang sa labas.
Mabagal lang ang pagtakbo ng sinasakyan namin, dahil narin siguro sa bako bakong daan kaya medyo maalog.
Nagkayayaan kase ang barkada at napag desisyonan nasa probinsiya nalang para mas presko at sariwa ang hangin. Ayon kay Annie maganda daw ang lugar na ito, may mga falls at mga bundok na pwedeng akyatin. Hindi nga namin alam kung paano niya nahanap ang lugar na to, siguro ay sa Internet. Mahilig kase itong magsearch ng kung ano ano.
" Nandito na tayo." anunsyo ni Lian na siyang nag dadrive.
Huminto kami sa tapat ng isang hindi kalkihang bahay. Ang kalahating bahagi nito ay bato at ang kalahati naman ay gawa sa kahoy.
Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong akong ng malamig at sariwang hangin. Napayakap ako sa aking sarili at tumingin sa paligid. Hindi parin halos makita ang kapaligiran dahil sa hamog. Nagising narin ang ibang kasama ko at lumabas ng kotse.
"Magandang umaga po." Salubong sa amin ng isang batang babae, siguro ay nasa 12 taong gulang na ito batay sa itsura. '"Ako po si Lynlyn apo ng may ari ng bahay na tutuluyan ninyo. Tuloy na po kayo." nakangiting sabi nito.
Sumunod kami sa kanya sa loob ng bahay. Malinis naman sa loob, may roon itong dalawang kwarto at isang banyo, maluwang ang sala at kusina.
" Nasaan ang banyo dito?" nagmamadaling tumakbo si Mitch ng maituro. Napailing nalang ako sa iniakto nito.Umalis narin ito kaagad at sinabing babalik nalang mamayang almusal. Alas 4 palang kase ng madaling araw.
" Hay sa wakas makakapagpahinga na rin ako." nag iinat at inaantok na sabi ni Lian at nag deretso sa isang kwarto.
Umupo ako sa sofa sa tabi ni Neil at tumabi naman sakin si Annie, sa pangisahang sofa naman naka upo si Zack at si Jami. Bali walo kaming lahat apat na babae at apat na lalaki." Walang signal dito?" naglalakad at nakataas ang kamay na tanung ni Faithy sinusubukan sigurong maghanap ng signal. Sabay sabay kaming napatingin kay Annie.
" what? " inosenting sagot nito. " Hindi ko alam." napailing nalang ako. Wala naman akong hilig sa social media kaya ayos lang kahit walang signal.
" Doon na muna ako sa kwarto. " inaantok na sabi ko sabay tayo papunta sa kabilang kwarto. Magkakasama kaming mga babae sa isang kwarto habang sa kabilang kwarto naman ang mga lalaki. Malaki naman ang kama kaya kasya kaming apat.
MAAGA kaming nagising dahil gusto daw masulit ng mga kasama ko ang lugar. Bumalik nga si Lynlyn pagdating ng almusal may dala itong mga pagkain kaya di na namain kailangan magluto.
Pagkatapos mag almusal, sinimulan na naming libutin ang lugar. Paglabas namin ng gate nakaabang na ang tricycle na sasakyan namin papunta sa unahan ng bundok. Hindi kase namin maaaring gamitin ang kotseng gamit namin papunta rito dahil maiiwan lang din naman namin kapag nag simula na kaming umakyat sa bundok. Bali tatlong tricycle ang gamit namin. Magkasama si Mitch, Zach at Jami na naunang umalis, si Faithy, Neil at Lian naman ang magkasama at kami naman ni Annie ang magkasama.
"Elena!" rinig kong may nagsalita ngunit hindi yun pinansin. Baka sa kapitbahay,
napansin ko na medyo magkakalayo ang bahay dito at halos pulos green ang makikita dahil sa malalakong puno, halaman at damo. Naunang sumakay si AnnieBago pa ko maka pasok sa tricycle may humila sa braso ko kaya hindi ako nakapasok. Pagtingin ko, isang matandang babae ang titig natitig sa akin. Na parang matagal niya na akong kilala at ngayon lang muli kami nagkita. Ngumiti ito ng pagkalawak lawak. Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa paraan ng pag titig at pagngiti niya sa akin.
" Elena? Ikaw nga! " masayang wika nito. " Mabuti naman at nagbalik ka na, matagal na panahon ang aming hinintay sa inyong pagbabalik. Marami ang matutuwa ngayong nandito na kayo. Babalik na muli ang kapayapaan sa BAELA FLOR. Kasama mo ba ang ibang impluho?" napakunot ang nuo ko sa sinabi nito.
Marahan kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at masuyong ngumiti." lola nagkakamali po kayo hindi po Elena ang pangalan ko. At hindi ko po alam ang sinassabi niyo." ngunit hindi niya talaga binitawan ang braso ko. Napalingon narin ang ibang kaibigan ko nagtataka kung bakit hindi pa kami sumasakay. Lumapit si Neil at Faithy sa gawi namin. Pati narin si Annie na lumabas mula sa tricycle.
" Anong meron?" nagtatakang tanong ni Neil. Tumingin dito ang matanda. Noon lang ako binitiwan nito at naglipat lipat ang tingin sa aming apat.
" Kayo ang impluho. Hindi ako nagkakamali. Bituin mismo ang nagsabi." hindi ko alam kung matatawa ako sa sinasabi nito. Hindi ko alam kung nagbibiro siya dahil napaka seryoso niya magsalita. Tumingala ito kaya napa tingala din ako. Wala namang kakaiba sa langin at wala rin bituin ngayon dahil maga. Magbababa na sana ako ng tingin ng biglang may kuminang sa langit at may apat na bituin ang naka tapat sa amin. Namangha ako dahil sa nangyari. Paano nagyari yun?
BINABASA MO ANG
Unknown World
Adventure"BAELA FLOR" Lugar na pinamumunuan ng apat na tinaguriang tagapangasiwa ng lugar.Lugar na may maaliwalas na kapaligiran,may mga ibat bang uri na makukulay na puno't halaman, at malinaw na tubig sa dagat. Payapang nabubuhay ang mga tao, walang takot...