Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, places, characters, businesses, locales and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.
---------
I was just 15 years old that time. He was also the same with my age. We were both in 9th grade in highschool. Maybe, from other's perspectives, love isn't applicable at our young age. They may say it was just an infatuation. That I'll overcome the pain easily. That it was just a so called "puppy love"
But it's not easy.
Really.
Because with him, I've experienced a great, pure and young love.
And it was all started way back year 2016.
"Hi. Need help?" Saad ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa isang outing ngayon. Sa isang sikat na resort dito sa bayan namin. Victory celebration dahil nanalo ang school namin sa isang Drum and Lyre competition.
Nag-angat ako ng tingin sa may ari ng kamay na nakalahad sa akin. Mahigpit pa rin ang hawak ko sa gilid ng pool. Kanina pa kasi ako sumusubok na iangat ang sarili ngunit nahihirapan ako.
"Ha?" Napangiti ako ng tipid.
Nagtaas siya ng kilay at muling naglahad ng kamay.
I have no choice but to accept his hand. He pulled me out from the pool.
"Salamat.." sabi ko sa kanya pagkatapos niya akong tulungan.
He smiled genuinely. Ilang minuto ko siyang pinagmasdan.
He's Joeff by the way. Kabatch ko siya ngunit magkaiba kami ng section. We're both grade 9 and also honor students. He's a very friendly and funny person. Yung tipong masayang kausap at magandang kasama.
Matagal ko na siyang kilala pero hindi kami malapit sa isa't-isa.
"Ice cream, gusto mo?" Offer niya habang mag-isa akong nakaupo dito sa malaking bato. Natatanaw ko pa rin ang mga kasama namin na masayang nagtatampisaw sa dagat.
"Ahh, salamat" nahihiyang sabi ko bago tanggapin yung cone ng ice cream na inaalok niya.
Ngumiti siya at naupo sa tabi ko. Tila naestatwa naman ako sa kinauupuan dahil sa ginawa niya.
"Ang ganda ng dagat.." aniya makalipas ang ilang minutong katahimikan na namayani sa aming dalawa.
Napabaling naman ako ng tingin sa kanya. He was looking at the sea amusingly. Tila ba may sarili siyang mundo habang tinatanaw ang malawak na karagatan.
"Pero, maganda kapa rin" bigla siyang lumingon sa akin na ikinasinghap ko.
Nakatitig lang siya sa aking mga mata na tila ba binabasa niya ang iniisip ko.
I was about to say something when someone cut me off.
"Woy! Smile!" Sigaw ng kaklase ko kaya sabay kaming napalingon ni Joeff. May hawak itong Digi-cam na nakatutok na sa amin.
Nag click muli ang camera. Mukha kaming tanga ni Joeff dun dahil hindi kami ready sa picture. Lalo na ako na nakanganga pa.
"Uy! Anong ginagawa mo?" Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit tumakbo na ito papalayo.
Akmang tatayo na ako ngunit hinablot ni Joeff ang kamay ko.
"Reisha, dito ka lang. Hayaan mo na 'yun" natatawang sabi niya at hinila ako pabalik sa kinauupuan.
YOU ARE READING
After Three Days (One-Shot Story)
Short StoryThank you for the memories, you'll always be buried in my heart... Your genuine love will always guide me into something right and significant... Our story may ended up that way but you're one of the amazing persons I ever had in my life. You'll al...