Sa Paglipas ng Walong Taon

4 0 0
                                    

Sa Paglipas ng Walong Taon
Year 2024

Hi.

This is me, Roannies.

I'm back after a long time. Malapit na ang ika-isa ng Nobyembre, ang paggunita sa araw ng mga Patay. Ika-27 na ngayon ng Oktubre, malapit ng matapos ang 2024. Nagbalik ako dito upang dugtungan ang nauna kong confession. Marami ang may alam na base sa totoo kong karanasan ang story na "After Three Days". Isinulat ko ito to commemorate my deceased highschool boyfriend noong 2016. Walong taon na siyang wala sa mundong ito. Walang taon na siyang nakahimlay sa sementeryo at payapa na ang kaluluwa.

Gusto ko lang ibahagi na nitong nakaraang ilang buwan ay nakausap ko ang kanyang Papa. Nilakasan ko ang loob ko na magpakilala sa kaniya at sinabing ako ang dating girlfriend ng kanyang anak bago ito madisgrasya na naging sanhi ng kanyang pagkawala. Naging malalim ang pag uusap namin ng kanyang ama dahil hanggang ngayon ay may tampo pa rin siya sa kanyang anak dahil sa nangyari. Nabanggit ko pa na napakasipag ng kanyang anak sa pag aaral. Nakakalungkot dahil kung buhay lang siya ngayon, magtatapos na sana kami sa kolehiyo. Nakausap ko ang kanyang ama noong buwan ng June, kung saan malapit na rin ang aking graduation sa July.

Masaya na malungkot dahil that time lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpakilala sa Papa niya. Dati noong kami pa lang ay gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya pero ako itong laging tumatanggi. Una, dahil bata pa kami at 3 buwan pa lang kaming magka relasyon. Isa pa, hindi talaga relasyon ang priority naming dalawa.

Nitong Setyempre 10, ika-walong taon ng kanyang kamatayan. Ipinagdasal ko siya sa simbahan at nagtirik ng kandila. Tunay ngang napakarami ng nangyari sa nakalipas na mga taon.

Sa ngayon, graduate na ako sa college sa program na Communication, mayroon na akong anak na edad dalawang taon, at may partner na rin ako. Hindi pa ako kasal pero hindi ko naman minamadali 'yon. Aminado ako na nagkamali ako ng desisyon dahil 2nd year college ako noong nabuntis. Napakaraming nagbago pero nanatili akong matatag. Pinagsabay ang pag-aaral at pagiging ina. Salamat sa aking partner at magulang na palaging sumusuporta sa akin. Nakagraduate ako on time at naging Cum Laude. Masaya ako kahit papaano. Akala ko mapuputol ang pangarap ko pero pinili kong ituloy ang nasimulan.

Ngayon, unemployed ako at nakafocus sa pagiging ina sa aking isang anak. Tahimik ang buhay, pribado, at malayo sa dating ako.  Sa edad kong 23, marami na akong realizations pero alam kong mas matututo pa ako sa buhay. Balang araw, makakamit ko rin ang mga pangarap ko. Sa ngayon, magiging kuntento muna ako sa buhay na mayroon ako.

Sa aking dating kasintahan, sana ay payapa kang nabubuhay sa piling ng Diyos. Ako naman ay patuloy pa ring lumalaban sa hamon ng buhay dito sa mundo. Maraming salamat. Hinding-hindi kita makakalimutan kahit na lumipas man ang maraming taon.

After Three Days (One-Shot Story)Where stories live. Discover now