simula
"Ito ang araw na matagal monang hinihintay . siguro panahon narin para sabihin saiyo na mahal din kita"
Agad pinihit ng batang si eunice ang seradura ng naka siradong pinto ng kanyang lola rosa.
Kahit madilim ang kabuuan ng kwarto ay nakita ng bata ang kanyang lola na nasa balkonahe habang nakatanaw sa kalangitan.
"lola" tawag ni eunice rito, agad naman lumingon ang matanda sa apo.
"dikapa inaantok? at naririto ka" tanong ng matandang si rosa. Umiling lamang ang bata at tumabi sakanyang lola rosa agad rin siyang napalingon sa kalangitan na kanina pa tinatanaw ng matanda.
"Sino la tinatanaw nyo ja'n?" takang tanong ng apo habang pinagmamasdan ang mga tala sa kalawakan.
"ang iyong lolo Anthonyo" sagot ng matanda na ikinataka ng bata
"lolo anthonyo? sino yun la?" may halong pagtataka sa boses ni Eunice hindi nya batid kung sino ang tinutukay ng kanyang lola rosa.
"ang aking unang pagibig"
"kwentuhan nyoko la" sabi ni Eunice, ayaw man ng matanda pero hindi niya matiis ang apo
Inutusan niya ang apo na kunin sa ilalim ng kanyang kama ang isang kahon.
Agad naman itong kinuha ni Eunice na walang pagaalinlangan.
"anong gagawin n'yo ja'n la?" tanong ni Eunice ng mailapag sa lamisita ang kahon na mistulang pinaglumaan na dahil sa alikabok na nababalot rito.
agad naman inalis ng matanda ang alikabok sa ibabaw ng kahon sabay niya itong binuksan. Nanguna pa si eunice sa pagkuha ng bagay na nasa loob ng kahon.
"ano to la?" ani Eunice sabay inilabas ang isang papel.
"liham" sagot ng matanda ritoagad naman ibinalik ng batang si Eunice ang kanina niyang hawak na papel sa kahon.
"lola simulan nyo napo" ani Eunice
na halatang sabik na sabik dahil sa tono palang ng pananalita nito.…
Lumingon muna ang dalaga sa salamin na malapit sakanyang bintana bago bumaba ng hagdan. May usapan sila ni anthonyo na magkikita sa parke ngayong hapon."Anthonyo" tawag dito ni rosa. Agad naman itong lumingon bakas dito ang saya.
"May sasabihin ka?" tanong ni anthonyo ng tuluyang makalapit sakanya ang dalaga. Tumango si rosa dito sabay dinampian ng isang halik ang pisnge ng binata.
"para saan naman iyon?"
"sinasagot na kita anthonyo" ani rosa sabay natawa dahil sa reaksyon ng binata
"t-too ba ito r-rosa?" hindi napigilan mautal ni anthonyo hindi ito makapaniwala dahil sa mga narinig galing sa dalaga.Tumango naman si rosa, agad siyang binuhat ni anthonyo dahilan para magulat siya.
"ano ba anthonyo ibaba monga ako at nakakahiya maraming tao oh"
Binaba naman siya ng binata. "Hindi mo alam rosa kung gaano ako kasaya sabi konanga't sasagutin mo parin ako".
Mahigit pitong taong niligawan ni anthonyo si rosa. Maraming nagkakagusto sa dalaga ngunit hindi pasado ang mga ugali sakanya
Sa loob din ng pitong taon ay nahulog na ang loob ni rosa dito ngunit hindi pa siya handa para sabihin ang nararamdaman niya rito. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas na loob para sagutin ang binata.
"Tara kina aling test, libre ko" yaya nito na hindi naman tinanggihan ng dalaga.
Sa kalenderya nina aling test sila nagkakilala. Grade 9 si rosa at grade 11 naman si Anthonyo nagkaroon noon ng isang pagpupulong ang mga kagrupo ni rosa at doon nila pinagpasyahang gawin ang kanilang usapan
Habang sina Anthonyo naman ay doon kumain kasama ang kaniyang limang pinsan. Una palang na pagpasok ng dalaga sa kalenderya ay nakuha agad ang atensyon ng binatang si Anthonyo dahil narin sa panunukso ng mga pinsan nito ay doon siya naglakas loob na manligaw.
"anong gusto mong kainin?" tanong ni Anthonyo ng makaupo sila sa bakanteng upuan sa may tapat lamang ng labasan ng kalenderya
"adobo nalang"
Agad namang tumango si anthonyo para bumili ng makakain nila
'wala parin talagang pinagbago ang kalinderyang ito' ani rosa sakanyang isipan habang nilibot ang tingin sa kabuuan ng kalenderya
"mamaya manood tayo ng sayawan sa plaza" ani anthonyo. sabay subo ng kanin na NASA kuya nito. Mamayang alas otyo ay mayro'ng sayawan mamaya sa plaza na paburito nilang abangan
"sige"
-
"ang saya" sigaw ni rosa habang nakaupo at nanonood katabi ang nobyo."mas masaya kapang pagmasdan rosa". Agad naman napalingon si rosa sabay ngiti rito
"mahal na Mahal kita rosa"
"mahal din kita anthonyo"Agad ninakaw ni anthonyo ang unang halik ni rosa dahilan para magulat siya at hindi makapagsalita.
Parang ayaw rumihisto sa utak nya ang nagyari. Agad niyang hinawakan ang ganyang labi . Randam niya parin ang labing dumampi sakanya
Nakaramdam siya ng kilig at saya. Masaya siya sa piling ng nobyo at nangako siya na hindi pa niya ito papakawalan pa.