CHAPTER 1

1 0 0
                                    

CHAPTER 1


"Uuwi ka ba ngayong weekend?"

Napatingin ako sa direksyon ni Jen na nakahiga ngayon sa kama at nagp-phone.

"Bakit? Saan nanaman gala?"

"Awit alam na agad" bumangon sya at tumabi sa akin habang tumatawa pa rin. Tuwing weekend kasi hindi mapirmi yang babaeng yan dito sa dorm. Minsan nga kapag di ako sumama sa kanya sya lang mag isang naalis. Nagm-mall o di kaya napunta sa tagaytay nang mag isa, quality time daw nila ng sarili nya. Wlaa kasing jowa, same lang naman kami hehe.

"Punta tayong alabang, may gig kasi yung Band Name dun" nagppuppy eyes pa siya sa akin, hindi bagay. nakakainis yung mukha. Di ko na tuloy napigilan yung tawa ko kaya nagtataka tuloy sya.

"Gaga ka, bakit ka tumatawa?" hindi ko na pinansin yung tanong nya at kinuha yung planner ko sa bag. Tinignan kung ano pang gagawin.

"Layo naman. Kailan ba?"

"Bukas, dali na samahan mo ako. Isama din natin si David."

"Mag intay ka nalang na mag gig sila na malapit dito." umupo ako sa may tabi nya, nakatingin sa planner at pinagiisipan.

"Dali na kasi Alee. Kahit ngayon lang 'wag mo muna sundin yang plano mo. Please"

Matagal pa ako bago nakasagot sa kaniya dahil pinag iisipan ko. Gusto ko kasing mag advance study.

"Libre ko na pamasahe mo, pero yung ticket bayaran mo ako" tumayo sya at kinuha yung wallet sa drawer at iniabot sa aking parang card, yung ticket para doon sa event.

"May ticket ka agad?"

"Syempre, baka maubusan pa eh sikat nga sila diba. Gusto ko sila makita bago manlang ako mamatay" natawa ako sa sinabi nya.

"Ang oa naman, Jen"

"Oh ano na, wala nang atrasan yan ah. Kinuha na kita ng ticket, pati si David kinuhanan ko na rin. Sure naman na sasama yon."

"Sige na, oo na. Sasama na ako." nagbago ang mood nga bigla. Tumalon at tumitili pa.

"Grabe hindi ko alam kung paanong sigaw yung gagawin ko kapag nakita ko na sila," hindi naman ako makarelate sa sinasabi nya dahil hindi naman ako fan nung banda na yon pero nakikinig ako sa kanta nila dahil laging nagpapatugtog si Jen at maganda naman.

"Hoy Jenelyn, ang ingay mo. Hinaan ang boses ha nakakaistorbo." sabi ni Madam Gracia mula sa labas ng kwarto. Sua yung may ari nitong dorm na tinitirahan namin.

"Ayan kase," sabi ko sa kanya. Hindi na nya pinansin iyon, diretso na sa pintuan at binuksan. Tumambad sa labas si Madam na nakapamewang.

"Sorry po. Hindi na po mag iingay hehe." sabi nya kay Madam at tinalikuran na sya.

Magkaibigan kami ni Jen mula elementary, hindi na nga kami mapaghiwalay eh hanggang ngayong college. Pareho pa kaming engineering dito sa CvSu main. 2nd year. Hasle pa kung mag uuwian kami mula dito sa indang pauwi ng dasma kaya nagdorm nalang kami. Ayaw pa ngapumayag ni Papa noon kasi malalayo ako sa kanila ni Mama at wala daw kasama si Mama kapag nasa trabaho sya dahil nag iisang anak lang ako. Pero pumayag na rin si Papa. mas makakatipid ng pamasahe dahil nilalakad nalang namin papuntang campus dahil malapit lang naman itong dorm. Kapag weekends at walang class ng sabado umuuwi ako sa dasma.

Kinabukasan, ang aga nagising ni Jen dahil excited. 7am palang tapos ginising na ako kaagad. 8am pa dapat ako gigising kaso talak na nang talak si Jen.

Dumiretso ako sa cr at nagmumog. Kanina pa pala naligo si Jen. sobrang excited.

"Hoy David diretso ka na don, sa venue nalang tayo magkita." sabi ni Jen kay David na nasa kabilang linya. Nandito kami ngayon sa dining room at nag aalmusal. Bumili si Jen ng pandesal kaya yun yung kinakain namin ngayon. Kaming dalawa lang ang nandito at kumakain dahil ang iba umuwi sa kanila dahil nga weekend.

Just Stay (ON-GOING)Where stories live. Discover now