CHAPTER 2

0 0 0
                                    

CHAPTER 2

"Yung kaibigan ko, Pa. Gig nya yung pinuntahan namin ni Jen..." sagot ko. Sinabi ko nalang na kaibigan ko si Jiro kahit hindi naman talaga, ayaw ko syang maging kaibigan kasi pang next level sya. char.

Crush ko na yata, pero crush lang.


Linggo ngayon kaya nagsimba muna kami. Nandito rin si Papa dahil walang pasok sa trabaho. Maintenance sya sa isang planta dito lang din sa Dasma. Pagkauwi namin, dumiretso ako sa kwarto ko dito sa bahay at nagpalit ng damit. Hindi lahat ng damit ko dinala ko sa dorm kaya may natira pa dito.

White lang ang pintura ng kwarto ko, hindi naman din ito ganoon kalaki pero malinis. Ayaw ko kasi sa maduming kwarto at makalat. May painting na nakasabit sa wall, yung sundlower painting na ginawa ko noong highschool pa, pinakaunang painting na nagawa ko yun.

"Sunduin mo ako dito sa bahay kapag papahatid ka na sa dorm ah..." sabi ni Jen, tinawagan ako.

"Oo, susunduin kita para namang ang layo ng bahay mo sa bahay namin..."

Umupo ako sa study table ko at inilabas ang paints ko at sketchbook. Magpipinta muna ako, last week pa yung last na nagpinta ako. Dito lang ako nakakaoagpainting sa bahay dahil hindi ako makakilos ng maayos kaoag nasa dorm. Hindi lang ako kumportable na doon nagpipinta.

May yt channel din ako tapos doon ko in-upload yung mga timelapse video ng ginagawa kong painting. 300+ yata yung subscribers. Last check ko 200+ lang. Di ko din naman masyadong sinerseryoso iyon. Kaya ngayon wala ako masyadong time gumawa ng vids. Sa editing lang ako natatagalan dun.

Nang matapos ako sa pagpipinta at hinintay na matuyo. bumaba ako sa sala. Nadatnan ko dun si Cj na taas ang paa, nagm-ml habang si mama naman katabi nya. Si Papa naglilinis ng kotse sa labas.

"Ate, laruin mo please..." sabe ni Cj at inabot sa akin yung phone nya. Buti mabait ako sa kanya ngayon.

"Anong rank na ba nito?"

"Grand master, ipalegend mo..."

"Mukha mo, isang game lang..." sagot ko sa kanya habang tumatawa.

"Oo na, limang game lang..." dagdag ko pa

"Yon, sure win naman yan..." nagbago bigla yung mood nya.

Okay naman yung game sa simula chill lang pero may isang nangtrashtalk sakin.

[Team] hahaxd (Helcurt) : Bobo mo Fanny

"Tinatrashtalk ka, ate oh. Bobo ka raw." sabi ni Cj na katabi ko lang nanonood.

[Team] cjpogi : Dean's lister ako, tanga

Account kasi ni cj yung gamit ko, ang panget naman ng ign. Di naman pogi, char.

Dahil competitive ako hindi ako nagpatalo dun kay hahaxd, kung sino man 'yun. Pinilit ko tuloy makamvp.

Victory

cjpogi     25/4/6       MVP    13.9

hahaxd   11/2/15    gold      11.8

hahaxd commended you

"Lakas mo talaga mag fanny, ate" sabi ni Cj nung binigay ko sa kaniya yung phone nya nung natapos ko. Buti nagrank up naman.

"Finollow ako nung hahaxd na yon," sabi ni Cj at tinignan ko yung phone nya. Finollow back nya rin, nakita ko.

"Hala ate iniinvite ako..." sabi nya sa akin at ibinigay yung phone nya pero hindi ko tinanggap

Just Stay (ON-GOING)Where stories live. Discover now