Prolouge

3 0 0
                                    


Prologue

"Ba-akit hindi kayo nagsabi...." nanghihina na ako nararamdam ko na ang pag agos ng mga luha sa aking mga pisngi.

Agad na tumayo si  Mika.

"IKAW DIN NAMAN AH!" galit na sabi niya

"Tumahimik na kayo.." mahinang sabi ni Vernon

"IKAW ANG TUMAHIMIK PAREHO LANG KAYO NI HANNAH SINUNGALING!" mangiyak-iyak na sabi ni mika

"OH BAKIT AKO WALA DIN NAMAN AKONG ALAM AH AT ISA PA MATAGAL KO NANG TINITIIS ANG PANGET MONG UGALI! BAKIT SINO BA ANG NAG-AALAGA SA INYO PAG NALALASING KAYO SINO BA ANG TINATAWAGAN NYO PAG MAY PROBLEMA KAYO HA NAKA RINIG KABA NG KAHIT ISANG SALITA SAKIN?"

Parang may anomang dumaan at napa tahimik kaming lahat.

"LAHAT TAYO MANAHIMIK! PAREHO LANG TAYO DITO MGA WALANG ALAM KAYA WAG KAYONG MAG SALITA NA PARANG NAY KASALANAN SATIN!.." mariin na sabi ni Ayl

"Ang mabuti pa matulog na muna tayo, bukas na tayo mag usap hindi dapat tayo nagpapadala sa mga emosyon natin" sabi ni Katarina

"Oo nga please bukas nalang matulog na muna tayo" mahinang sabi ni Yana

Agad na tumayo sina Louise, Renee at si Laure. Sumunod naman agad kami, syempre sa barkada namin 1 lang ang lalaki kaya naiwan si Vernon sa sala kasi sa sofa lang siya matutulog.

Kinabukasan pag gising ko napansin ko nawala na akong katabi bumaba agad ako nag punta sa sala, kusina, sa bakuran, sa swimming pool area, sa garahe, hindi ko sila mahanap. Napa upo nalang ako sa sofa.



"umalis na sina Vernon, Hannah, Renee, Katarina, Louise at si Ayl"

napahawak ako sa aking dib-dib akala ko wala na talaga akong kasama sa malaking bahay nato. pagka talikod ko si Laure pala.

"Sina Louise at Ayl May emergency daw sina Vernon at Hannah ay pinauwi na agad siguro alam na ng mga lolo nila."  hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti

"Sina Kat at Kath?"

"Sila ang unang umalis hahaha naka katawa nga kasi umalis sila ng naka pajama lang at 3 AM silang umalis ha hahahaha"...tumawa si Laure pero kitang kita sa mga mata niya na hindi siya masaya, dahil sa nangyari samin magkakaibigan.

Hindi kaagad ako nakapag salita.

5

4

3

2

1

San si Mika?



"Nasa labad nag jo-jogging kasama si Yana"

"Ahhhh, uhm kumain naba kayo?"....tumayo agad ako at nag punta patungo sa kusina.

"Oo kumain na ikaw nalng hindi pa" ngumiti ulit siya sakin

"Ahh oo nga pala Isho uhm susunduin kami dito mga bandang 9:30 ok lang ba?"

"uhhhh ok lang."binigyan ko siya ng isang malaking ngiti

"Sige, mag a-ayos muna ako ng gamit.

Hindi ko na siya sinagot nagpatuloy na akong mag luto ng pagkain pagka luto kumain agad ako at pagkatapos ay naligo. Hindi ko na namalayan ang oras habang nagbabasa ako ng libro 9:30 na pala uuwi na sila Laure at Mika.

"Cuz, a-alis na sila." sabi ni yana hindi ko maiwasang matawa sa suot ng aking Cousin. Nakapang simba siya kahit nasa bahay lang kami. Ito talagang pinsan ko HAHAHAHA.

"Isho byee na muna ha at sorry nga pala." sabi ni Mika sabay Hug sakin

I hugged her back.

"Bye ingat kayo." sabay ngiti at pagtalikod ko

At ayun nawala na sila ng parang bula. Yun nadin ang huling araw na nakita ko na completo kami.

Ilang taon na rin ang nakalipas, kumusta na kaya sila nag-asawa na kaya sila, natupad kaya nila ang mga pangarap nila, hindi ko maiwasan mapaluha. sana balang araw makita-kita na kami.

pinunasan ko ang luhang tumulo saking pisngi  ayoko ng umiyak tama na. Iniwan na ako ng lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko, nagkasakit pa si lolo, nagka problema pa sa Hospital.

Nalimotan ko na ang pakiramdam maging masaya.

But it's DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon