Critique made by: elsense
Book: Pain, Pain, Go Away
Author: mscatflower[Hi, aspiring writer! Everything that I encoded here is according to my knowledge as a critic. I do not intend to offend you with this critique but rather, I am doing this for your improvement.]
🎀 TITLE:
Wala po akong problema sa title. Connected sa topic na tinackle ng story.
🎀 BOOK COVER:
I love your book cover po. Tugma ang color palette sa title and content ng story. Siguro medyo lakihan and i-adjust 'yung position ng title tapos medyo liitan 'yung dalawang subjects na background.
🎀 STORY DESCRIPTION:
Maayos ang pagkakabuild up nito. Pagkabasa ko pa lang ng description mo about living, nakuha mo na agad 'yung attention ko and may idea na ako sa topic na itatackle ng story. And nung makita oo nga na about mental health, mas lalo akong na-curious sa magiging takbo ng story.
🎀 NARRATION:
'Yung usage of words ay importante para sa maayos na constructions ng sentences and sa tingin ko, wala kang naging problema rito. Maayos ang pagkakagamit and 'yung way ng pagnanarrate, para akong nagbabasa ng isang poem.
Kung paano mo iconnect 'yung isang bagay sa isa pa and then you're trying to imply something, mas lalong nakadagdag sa magandang narration. Maayos 'yung flow ng narration, hindi magulo, hindi mabilis, at hindi rin naman mabagal. Kumbaga, may constant speed ang story mo.
Hindi ko makalimutan 'yung lines sa first chapter sa scene na pinipigilang mag-suicide.
"Suicide is not the answer."
"I know it's a dark place with unimaginable sadness and pain, but..."
"If you end your sadness and your pain with suicide..."
"... it's like never letting yourself to heal and find happiness, ever, again."
Dito pa lang, naibigay mo na 'yung first message na gusto mong makarating sa mga tao na katulad ni Ken. Na-justify mo na kaagad 'yung sinabi mo na you're spreading mental health awareness and support dahil hindi sila nag-iisa. At kahit na fiction lang si Ken, hindi natin maaalis 'yung fact na marami 'yung katulad niya sa realidad.
Siguro masyado akong na-hook sa pagbabasa at hindi ko na napansin 'yung ibang errors pero ang napansin ko lang naman ay 'yung paggamit ng ellipsis dahil 'yung iba ay nagiging dalawang dots na lang.
🎀 MESSAGE FROM THE CRITIC:
Hello po. Gusto ko lang sabihin na ang galing ng way of writing ninyo. 'Yung feels habang binabasa ko 'yung story ay parang nagbabasa ako ng isang international novel. Saludo po ako sa inyo dahil about mental awareness ang napili ninyong itackle sa story and itong topic na 'to, hindi madali kasi maraming aspects and bagay na dapat i-consider.
Keep writing po!
BINABASA MO ANG
Arcane's Critique Shop 2.0 (Temporary)
RandomREMINDER: This is Arcane's 2nd account for temporary use. Unfortunately, may issue sa watty 'bout sa resetting ng mga pass ng accounts and we also had a hard time fixing arcane. Should wattpad continue to go nuts, we will be forced to transfer every...