Revenge #4

22 0 0
                                    

Warning: SPG


MAGANDA ang gising ni Maze kinaumagahan kahit masakit ang kanyang buong katawan. Paano hindi sasakit ang katawan niya kung tatlong oras ba naman siyang pinagod ni Aeron sa kama. Pero hindi makalimutan ni Maze ang kanyang nakita kagabi habang nagsisiping sila ni Aeron. Iyon ay ang pagbukas ng pinto na parang siwang lang at may nakita siyang anino. Hindi lang isa kundi nasa apat ang bilang niya. At sigurado siya na ang apat na anino na iyon ay nanonood sa kanila.

"Aish! Baka namamalik-mata lang ako kagabi. Parang imposible naman kasi ang iniisip ko." Bulong ni Maze habang pinupulot ang kanyang damit sa sahig.

"Ang alin, babe?" Napatayo siya ng maayos nang makita si Aeron na pumasok sa silid.

"Ah, wala." Sabay iling niya, "Maliligo na sana ako, pwede ba ako dito?" At tinuro ang CR.

Napakamot ng ulo si Aeron, "Babe ano kasi, sira ang gripo diyan at baka sa susunod pa na week mapapaayos. Pero sa ibaba may CR naman kaya pwede ka doon."

Napatango si Maze, "Okay." Kinuha niya ang nakatuping towel sa sofa at lumabas ng silid.

"Hija, maliligo ka na ba?" Salubong na tanong ng ina ni Aeron kay Maze.

"Opo sana."

"Sige."

Pumasok na sa CR si Maze. Malinis naman ang CR maliban sa dalawang pirasong plastic ng shampoo na nasa sahig. Hindi niya na inabala pang pulutin iyon dahil wala naman siyang pakialam. Bagkus, hinubad na niya ang kanyang damit at binuksan ang shower. Napapikit siya at napangiti dahil sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaligo sa ilalim ng shower. Ganito pala kapag mayaman, de shower kapag naliligo. Kung sana hindi nagbulakbol noon ang kanyang ama, baka de shower din sila.

"Ay! Hala!"

Hindi magkandarapa sa pagtakip si Maze sa kanyang masisilang bahagi ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung saan ang una niyang tatakpan ng kanyang kamay — sa perlas niya ba o sa dalawang bundok niya nang makita ng dalawa niyang mata ang maliit na camera sa kisame. Hindi naman siya bobo na hindi niya malaman na CCTV camera iyon. At bakit may CCTV dito gayong banyo ito?

Mabilis niyang kinuha ang towel sabay paikot nito sa buo niyang katawan. Lumabas siya at gayon na lamang ang gulat niya nang bumungad sa kanyang paningin ang ama ni Aeron na nakatayo. Halos lumuwa ang mata nito nang makita si Maze na nakatapis lang at basa ang buhok.

"Uh, hija tapos ka nang maligo?" Tanong ni Anton sa dalaga.

"Ano..uh, opo. Kaya lang kasi—"

"Wow, ate! Ang sexy mo naman!" Pasigaw na sabi ni Ashley nang makita si Maze, "Ang bilugin nga naman ng pwet mo. And wow! I like your wet hair. Siguro wet din ang iyong—"

"Babe, tapos ka nang maligo?" Tanong ni Aeron nang makababa ito sa hagdan. Mabilis niyang tinalikuran ang ama ni Aeron at si Ashely. Lumapit siya kay Aeron at magsusumbong sana kaya lang parang natutop naman ang kanyang bibig.

"Bakit?" Napakunot noong tanong ni Aeron sa kanya.

"Uh, wala. Sige, magbibihis na ako sa itaas." Hindi na hinintay pa ni Maze ang sagot ng binata dahil mabilis siyang tumakbo paitaas habang hawak ang dulo ng towel sa kanyang dibdib.

Tangina! Anong klaseng pamilya ang pinasok ko ngayon? Tanong ng isipan ni Maze habang nagbibihis siya.

"Babe, may problema ba?"

Bumaling si Maze kay Aeron nang pumasok ito sa silid. Tinapos muna ni Maze ang pagsusuot niya ng bra at saka nagdamit. Hinarap niya si Aeron at handa niya nang sabihin dito ang kanyang nakita sa banyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cruel RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon