Ang unang perspektibo sayo ng silangan,
Ako'y mejo nag aalangan
Sapagkat ang hugis mo't korte ay tila kasinungalingan lamang
Kaya't ako'y naaakit sa hubog mong kulang kulangPaano mo ako nakumpleto kung ikaw mismo ay hindi naman buo?
Paano ka nakapagsilbing ilaw sa madilim kong mundo
Gayong ikaw ay nasa dilim din mismo?
Nabigyang init mo ang nanlalamig kong puso,
At nasindihan mo ang naghihingalong alab nitoPanigurado akong hindi mo alam to,
Dahil masyado kang malayo para matanaw mo ako
Marami kang nakikita para mapansin pa ako
Kaya dadaanin ko nlang sa ganito
At tatanawin ka mula sa malayo.