Phase 2: THIRD QUARTER

3 0 0
                                    

Parang pabitin
Parang pabitin ang paglitaw mo kasama ang mga bituin
Nagbibigay liwanag at saya ang nakikita ng mga mata
Ngunit nababalot ng dilim at walang kaligaligaya ang isang banda

Kalahati ng katangian mo palamang ay tila nakaka akit na
Nakapagbibigay ilaw at pag asa
Kahit pagsapit ng umaga'y wala kana..
Paano pa kaya kapag buo kana?

O buwan
Nakikita ka na nang madalas
Gabi gabi at oras oras
Maging sa panaginip ay lumalagpas
Kinakatakutan ang iyong pag likas
Kaya't hinahanap hanap ka sa bawat araw na lumilipas

Baka sakali lang,
Baka sakali lang naman
Maaari ka bang manatili ng hindi pandalian lamang?
Sapagkat ipagpapalit ko ang maliliwanag na umaga sa madidilim na gabi makasama ka lamang.
Buwan maaari ba?
Baka naman ako'y mapagbigyan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BUWANWhere stories live. Discover now