Epilogue

142 3 3
                                    


#HSMepilogue

"Una na ako miss may duty pa ako, love you." Nagmamadali niyang saad pagkatapos makatanggap ng tawag galing sa ospital kung saan isa siyang intern do'n.

Dinampian lang ako nito ng halik sa mga labi at dali daling kinuha ang lab coat niya sa sandalan ng upuan. Tumango na lang ako at nginitian siya tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya ng pintuan at binalik ang tingin sa mga pagkain na nakahanda sa lamesa at agad napasimangot sa kaisipan na masasayang ito.

"Ang dami, paano ko mauubos 'to e busog na ako." Nanlulumong usal ko sa aking sarili habang naka-tingin pa din sa mga pagkain agad nagawi ang tingin ko sa labas ng restuarant at nakita ang batang lansangan, nagliwanag ang mukha ko ng makaisip ng solusyon.

Tinaas ko ang kamay ko upang matawag ang pansin ng isa sa mga waiter at hindi naman nagtagal ay may dumating din na isang babae.

"Ano pong kailangan niyo ma'am?" Magalang na tanong nito at bahagya pang tumungo.

"Pwede bang paki-balot na lang nito ate?" Nakita ko namang tumango ito at nagpaalam na aalis saglit para tawagin ang kasamahan na mag babalot ng mga pagkain. Hindi rin naman nagtagal ang paglalagay ng mga pagkain sa tupperware at isinilid ito sa isa sa mga paper bag na may pangalan pa ng kanilang restuarant. Impermo Resto. Isa sa mga naging paborito naming kainan ni Jiro.

Agad akong napanguso sa inis ng maalala ang pangalan ng lalaking 'yun. Napapansin ko na lagi siyang parang nagmamadali at parang may inaasikaso pero pinag pasensiyahan ko na lang dahil malapit na ding matapos ang internship nito kaya siguro sobrang busy niya para sa paghahanda naman para maging isang ganap na doctor na. Medyo naiistress nga ako dahil sa tuwing dinadalaw ko siya doon ay lagi kong naririnig ang boses niya na pinag-uusapan ng mga nurses na mga kaedad niya din maging ang mga doctor na hindi nalalayo sa edad niya. Pero sorry mga friends akin na siya.

Nilagay ko sa balikat ko ang strap ng shoulder bag ko at kinarga sa mga braso ko ang paper bag na medyo may kalakihan. Ewan ko ba do'n sa lalaking 'yun ang daming inorder tapos hindi din naman pala makakakain kasi pinatawag agad siya. Kumain na din naman ako sa bahay bago kami magkita kaya busog pa ako. Nang makalabas ay agad akong tumawid at tinungo kung saan naka pwesto ang mga batang lansangan at humaharang ng tao upang makahingi ng pera o anumang pagkain. Agad akong nakaramdam ng awa sa kanila kaya binilisan ko ang paglalakad, napansin naman ng isa sa mga ito na papunta ako sa kanila kaya tinawag niya ang pansin ng mga kasamahan niya, bale mga anim silang mga bata dalawang lalaking mga nasa edad pito o walong taong gulang at apat na babaeng mga nasa lima hanggang trese na edad.

Agad akong napailing at napapalatak sa likod ng aking isipan dahil sa tagal na ng panahon ay hindi pa rin nawawala sa pilipinas ang mga ganitong kapwa natin pilipino na lubos na naghihirap. Napansin ko ang pagliwanag ng kanilang mga mukha ng malaman nila ang balak ko, sa kabila ng mga dungis sa kanilang mukha at bakas na pinagsamang pagod at gutom ay nagawa pa nilang ngumiti sa akin kaya hindi ko namalayan na ngumiti na din ako ng matamis sa kanila.

Nilahad ko ang mga pagkain na nasa braso ko at agad naman nila itong inabot at kinuha ang mga nasa loob tumingin muna sila sa akin na parang nanghihingi pa ng permiso para makakain kaya tumango ako ng walang pag-aalinlangan.

"Ate, ang bait niyo po." Tila nahihiyang tugon ng babaeng tingin ko pinaka matanda sa kanila agad naman akong napatawa ng mahina at bahagyang tinapik ang balikat nito.

"Mana sayo." Agad naman itong bumungisngis at sumabay din ang iba.

"Ma'am ginugulo po ba kayo ng mga 'to." Agad akong napalingon sa nagsalita at nakitang security guard ito ng Convenience store  kung saan kami nakaupo ngayon.

"Hindi po kuya ayos lang po." Iling ko dito pero may pag dududa ang mga mata nito bago umalis, binigyan naman niya ulit ng huling tingin ang mga bata bago bumalik sa pwesto nito. Agad akong napairap sa iritasyon, mga mapanghusgang tao sa tingin ko ay kahit kailam hindi na talaga ito mawawala sa kahit na anong lugar.

Her SocMed Where stories live. Discover now