chapter18

11 1 0
                                    


"Maddy--!" -Sophie

"Khylle--!" -Nathaniel

Sabay na sigaw ng dalawa samantalang si Maddy naman at Khylle ay tuluyan ng nahulog sa tulay at nalublob sa maliit na sapa..

"Aray!" Reklamo ni Maddy samantalang si Khylle naman nadaganan nya

"DEE!!" Nabiglang sigaw ni Maddy ng makita nyang nakaibabaw sya dito... "okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Maddy

"Okay lang ako..." sagot naman ni Khylle pero wala sa itsura nya dahil halatang nasaktan ito...

Agad namang bumaba si Nath at Sophie para tulungan ang dalawa...

"Buti nalang mababaw lang tong sapa at ga tuhod lang ang taas" sabi ni Sophie habang inaalalayan si Maddy na tumayo

"Eeh kasi sino ba yun? Kung makapagpatakbo ng motor sa park akala mo nasa racing track..." sabi ni Maddy habang pinupulot isa isa yung mga gamit nyang nabasa... "lagot ako kay kuya neto..."

Inalalayan naman ni Nathaniel si Khylle na tumayo... "Oh pre.. kaya mo pa?" Tumango lang ito at pinilit na makatayo...

"Masakit lang ang likod ko pero okay lang ako.."sagot nito

"I think I should call my bodyguards para pickupin tayo at mapacheck up kayo sa hospital baka nabalian kayo ng buto." Nagaalalang sagot ni Sophie

"No need Abuella... besides malapit na tyo sa bahay namin kaya okay lang... beside Canuel you can borrow some of my shirt at home, I'll ask the maids to wash your clothes. Mamaya magkasakit ka pa lalong magalit kuya mo..."

Wala namang nagawa yung tatlo dahil ilang metro nalang eh bahay na nila Khylle kaya sumunod nalang sila...

Nang makarating sila sa bahay ng mga Dee

"Nihao!" Bati ng maid na nagbukas ng gate para sakanila sabay bow...

Napabow din silang tatlo...

"Xiao kai ..." bati ng isang matandang lalaki "zen me le?!" Nagaalalang tanong nito habang si Dee pumasok lang sa bahay at parang hindi pinansin ang matandang lalaki...

Nagtitinginan lang silang tatlo... "xiao jie?!" Napatingin silang tatlo sa matanda at mukhang nagaalala ito .. tinutukoy pala nito si Madeline

"Po??" Tatakang tanong ni Madeline...

"Shu-" tawag ni Khylle sa matanda

Nilingon naman nya ito..

"Dui bu shi..." sabi ni Khylle sa matanda...

Bigla naman itong ngumiti...

"Ohh khylle... It'S okay" sabay gulo sa buhok nito...

Nagkatinginan nanaman ang tatlo... si Nathaniel hindi na nakatiis...

"Grabe pre... natatakot panaman akong pumasok kanina dahil daming guards ng bahay nyo..nangalay din leeg ko kakayuko sa bawat katulong na makakasalubong ko...ngayon naman muntik ng dumugo ilong at tenga ko sahil sa siomai at siopao may.. anoyun?? Sushi sushi pa! Marunong naman pala ng ingles si lolo!... " sabi nito kay Khylle at natawa lng ang kaibigan nya tapos ay biglang humarap ito sa matandang lalaki... " hello grandpa.. we're sorry for.. ahhh... coming to your house without per... ano nga kase yon?" Nagiisip pa si Nath kung anong ingles ng hindi nagpaunang sabi ng magsalita ang matanda...

"It's okay... pwede ka naman magtagalog ee. Nakakaintindi ako...wag nyo na pong pahirapan sarili nyo" sabi ng butler ni khylle

Sa oras na yun ay parang gusto ng lumubog ni Nath sa kinatatayuan nya dahil sa pinahirapan pa nito ang sarili nya...

Natawa lng ng mahina si Khylle , Maddy at Sophie...

"Shu... she needs to change... " yun lang sinabi ni Khylle ng biglang sumenyas ang matandang lalaki sa mga maids... apat agad ang lumapit at lumapit kay Madeline... "xiao jie.." sabi ng matanda "sumama ka sakanila... don't worry mababait sila.."

Mukha namang mabait talaga ang matanda... kaya sumama si Maddy sa mga maids ... hindi naman naiwasang mamangha ni Maddy sa nakikita dahil bukod sa mga antiques eh ang daming pictures at medals ni Khylle sa dingding na kuha siguro habang lumalaban sa mga kompetisyon...

"Xiao jie... dito po..." turo ng maid na umalalay kay Maddy

"Uhmm.. ate?" Tatakang tanong ni Maddy

"Po?" Nakayukong sabi ng Maid

"Ate anong xi..xiao jie ba un?" Nabubulol nyang sabi sa maid

Napangiti naman ito at itinama ang pronounciation ni Maddy "xi.ao ji.e" sagot ng maid

"Oo yun.. ano yun?" Taning naman nya..

"Young lady "nakangiting sagot nito

"Ahh.Maddy nalang po..chaka po wag na po kayong yumuko... nahihirapan po ako" sagot nya sa maid.. napangiti lang ito at inabot ang damit kay maddy...

"ate..." tawag ulit ni maddy sa maid na kasama nya

"po?" sagot nito sakanya

"ate . wag mo nakong pino-po"

"ok lang. maddy nalang"

"baka po kasi magalit si young master"

"ngek. ako bahala kay Dee. sagot na kita dun." nakangiting sagot ni Maddy sa maid sabay wink

"alam nyo po miss Maddy , ngayon ko lang po nakitang may kaibigan si young master" nakangiting sabi nito

"talaga? bakit mo naman nasabi?" tatakang tanong nito

" kasi po simula nung umuwi sya dito hindi sya nagsasalita at ang sungit po nya."

"hahaha. masungit nga sya. pero nasa loob ang bait" pagmamalaki ni Maddy sa kaibigan

"nakakatuwa naman po kayo miss Maddy "

"HA ?? BAKIT?"

"basta lang po. hindi po kayo mahirap mahalin ng mga tao sa paligid nyo"

L.O.V.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon