3rd Person's POV
" I love you Shanine." Bulong ko sa sarili ko.
Masakit makitang umiiyak ang taong mahal mo.
Lalong-lalo na pag wala kang magawa kasi nga ikaw ay isang dakilang torpe.
Nakakatawang isipin na isa kang habulin ng mga chiks pero ikaw naman pala ay isang torpe? -_-
F*ck! Gusto ko siyang yakapin, gusto ko syang ipagtanggol at mas gusto Kitang itago sa puso ko Shanine.
Shanine POV
PAIN apat na letra na mahirap itago. Ganito ang nararamdaman ng puso ko PAIN.
Wala naman akong karapatan kasi nga walang kami o sabihin na nating Hindi talaga naging kami.
Sunod-sunod lang ang patulo ng luha ko. Mga isang oras na ako dito sa rooftop at parang wala pang balak ang mga luha kong tumigil sa pagpatak.
Bakit bestfriend ko pa? Ito lang naman ang imiikot sa utak ko ngayon.
Eh, mas nauna naman naman kaming nagkakilala ah. T.T ba't hindi niya ako ma pansin?
Pinilit kong makatayo kasi hirap na hirap na ako sa kakaiyak para makapagpahinga na ako.
Lumabas na ako sa rooftop para umuwi na hindi na muna ako papasok baka ano pang itanong nila kung ba't ganito ang itsura ko.
Tinext ko muna si kuya para hindi na nila ako hintayin.
To: Kuya
Kuya, uuwi muna ako masama pakiramdam ko.
-SENT-
Habang nag hihintay ako ng taxi may humintong sasakyan sa harapan ko.
Binaba niya ang window ng sasakyan at bumungad sa akin si....Josh.
" Shanine? Saan ka pupunta?" Tanong agad ni Josh sa akin
"Ahh, uuwi masama pakiramdam ko eh." Sagot ko sa kanya.
"Shanine, umiiyak kaba?" Nabigla ako sa tanong niya at kaagad ko na man yung pinalitan ng pekeng tawa.
"Oo eh,pinatay kasi yung pusa kanina kaya umiyak ako.Haha " kung alam mo lang Josh...
"Get in." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa harapan ng kotse niya. Kyaah! Parang nawala lahat ng pain sa puso ko nun ah. ;) kinilig naman si bruha!
"Ha? Kasi uuwi na kasi ako." Deep inside gusto ko talaga. Pero broken hearted ako ngayon eh.
"Get in or gusto mo bang ako ng kakarga sayo to get inside my car?" Seryosong sabi ng nakatingin sa akin.
Katakot naman nung pagtitig niya :3 pero, kinilig ako nung last line niya yii. ;)
"Ahh.. o sige" ako sabay pasok sa kotse niya. Eh sa Natakot na talaga ako eh atsaka chossy ka paba? E crush mo na yan eh. ;)
"Josh, saan ba punta natin?" Tanong ko sa kanya nung inistart na niya yung engine ng kotse niya.
"Saan moba gusto?" Sabay tingin niya sa akin.
"Ah--" hindi ko na natapos ang sabihin ko dahil nabigla ako sa mahinang paglapit ng mukha niya sa akin with matching eye to eye mode.
Ghaaad! Pinipigilan kolang ang kilig ko. Feel ko nga para na akong kamatis sa pula ng mukha ko eh.
Ang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang naghihintay sa ano mang manyari nang...
"Before we go isuot mo muna tung seatbelt." Napabukas na man ang mga mata ko sa bigla niyang pag salita and he grab the seatbelt at inilock na ito.