Chapter 4

0 1 0
                                    

Chapter 4

"K-Kuya." kinakabahang sabi ko..

Wala parin siyang expression, bumilis ang tibok ng puso ko, papagalitan niya ba ako? Omygosh wag naman sana..

"Ano ang ginagawa niyo dito?" seryosong tanong niya...

"A-Ah K-Kuy-"

"Nag usap lang kami Sy,, calm down" ani Stephen at humalakhak...

"Ok, let's go Mallery ihahatid na kita sa classroom mo." ani Kuya sabay akbay sa akin...

Tinapik naman ni Stephen ang balikat ni Kuya..

"Una na ako tol, bye baby kita nalang tayo ulit!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya,, tumango lang si Kuya sa kaniya... Buti nalang hindi nagalit si Kuya, malaking himala HAHAHAHA....

"Ikaw naman! Kung saan saan ka nag pumupunta." ani Kuya sabay pisil sa ilong ko..

Ngumuso ako sa kaniya.. "Kuya naman!"

Tumawa lang siya at hinatid ako..

"Mal saan ka galing? Okay kalang ba?" salubong sa akin ni Gaile..

"I'm fine, so ano? Tuloy ba tayo mamaya? It's my first time you know kailangan kopang tumakas kay Kuya!"

"Tuloy yun! Ako na ang bahala sa damit mo."

Papunta na ako ng Gate nang makita ko si Stephen may kayakap na babae, napairap nalang ako babaero ang gago..

Naabutan ko agad si Kuya naka sandal sa sasakyan niya..

Lumapit agad ako sa kaniya.. "Nauna kapa sa akin Kuya ah!"

Pinisil niya ang ilong ko at pinagbuksan ako ng pinto..

Habang nasa byahe tanong ako ng tanong sa kaniya..

"Kuya sure kana ba? Magiging abogado ka? Wala na talagang makakapigil?" kanina kopa siya kinukulit.

"Stop it Mal ang kulit mo, sure na ako dito at bakit ngayon kalang nag tanong niyan? Matagal na akong nag-aaral sa abogasya ngayon kalang nag tanong.."

"Ah hehe wala lang Kuya"

Humalakhak lang siya..

Kumatok ako sa kwarto ni Kuya mag papaalam kasi ako ngayon kunwari don ako matutulog kina Gaile wala naman dito si mama at papa nasa States pa kaya hindi ako mahuhuli..

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako. Nakaharap siya sa laptop nasa tabi niya ang makakapal na libro,, inaamin ko naman na mas matalino si Kuya kaysa sa akin gwapo si Kuya pero hindi pa ako nakarinig na nagkaroon siya ng Girlfriend sabi niya isturbo lang daw yun sa pag-aaral niya, gustong gusto niya talaga maging abogado..

Lumapit ako sa kaniya, nasa loptop padin ang mga mata niya..

"U-Uhm kuya hehe"

"What do you want? Alam kong may gusto kang sabihin."

"Eh kasi Kuya don ako matutulog kina Gaile e mag oovernight kami."

Sinara niya ang loptop niya at seryosong tumingin sa akin..

"Ok fine, mag pa hatid ka sa Driver natin." kumislap ang mata ko sa sinabi niya..

Tumalon ako at niyakap siya, tinawagan ko muna si gaile..

"Hello? Mal? Wag mong sabihin na di tayo matutuloy?"

Humalakhak ako. "Matutuloy tayo! Pinayagan ako ni Kuya!" excited na sabi ko..

"Yes! I'm excited!" aniya at pinatay ang tawag..

Bumaba ako sa sasakyan at nakita kong nasa labas si Gaile nag aantay sa akin..

"Akala ko di kana dadating."

Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Gaile tulog na daw kasi ang parents niya...

"Gaile naman! Ayokong suotin to sobrang ikli hapit na hapit to sa katawan ko!" reklamo ko sa kaniya...

Napairap siya "Wag kanang maarte wala ka namang dede flat ka kaya at tyaka wala ka namang pwet!" mataray na sabi niya..

Binato ko siya ng unan walanghiyang babae to..

"Excuse me may dede ako di lang halata may pwet din ako!"

Tumawa lang siya pumasok siya sa Cr at nag bihis na... At ako? Tulala pa din hindi ako sanay sa damit natu huhuhu mommy, daddy help me..

Ng lumabas na si Gaile napangiti ako sa suot niya naka tube dress siya na kulay blue bumagay sa ganda niya, mas matangkad siya sa akin at mag kasing haba kami ng pilik mata, matangos ang ilong niya at kissable lips ang gaga...

"Mag bihis kana nga!" mataray na sabi niya. Inirapan ko nalang siya...

Remember me BabyWhere stories live. Discover now