HER.
Nakikilala mo pa ba ako?
Sa kabila ng paglipas ng panahon ay 'eto parin ako. Umaasa na mapansin mo.
Tumingin ako sa iyo at ngumiti na baka sakaling matandaan mo ako.
"Bakit?" Tanong mo sa akin ng kalabitin kita. Bakas sa iyong mga mata ang hindi mo pagkakakilanlan sa akin.
Gan'on na ba katagal? Nang huli tayong nagkita? Kahit man lang ba kapirasong alaala wala kang matandaan?
"Kamusta na?" Kumunot ang iyong noo ng ako'y muling magbakasakali ng ikaw ay aking kausapin.
"Sino ka? Kilala ba kita?" Awts napakasakit naman ng iyong tinuran sa akin.
"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Muling tanong ko sa iyo.
Muli akong magbabakasakali. Baka iyong maalala kahit saglit.
Ayaw kong banggitin ang aking ngalan sa iyo, dahil para sa'kin yun na lamang ang tanging senyales na kung nararapat na ipagpatuloy ko ang nararamdamang pagtatangi, magmula ng ako ay musmos pa lamang.
Naalala ko noon nung tayo ay bata pa. Magkalaro. Magkasama sa bawat kalokohan. Magkaibigan at magkadamayan.
Ang musmos kong puso at isipan ay humanga at nagmahal sa bawat sandali na tayo ay magkasama at nagtatawanan.
Sa paglipas ng panahon, bawat araw ay ikaw ang aking sinisinta.
Ngunit sadya yatang mapaglaro ang kapalaran. Hindi nagtagal ay kailangan mo akong iwan. Kinailangan ninyong buong pamilya na mangibang bansa.
Hawak ang isang pangako na 'pag muli tayong magkita ay aaminin ko ang pagibig na aking inalagaan.
"Sorry, pero hindi kita matandaan."
Walang pag aalinlangan kang tumalikod sa akin matapos mo iyong sabihin.
Ang sakit...
Ang sakit ng puso ko ng sa iyong paghakbang at paglayo sa akin ay isang natatanging babae ang sa iyo'y kumapit.
"Mahal, sino yun?"
"Hindi ko kilala, mahal. Naipagkamali lang siguro ako." Kibit balikat mong sabi.
Sa bawat paghakbang mo palayo sa akin. Ay kasabay ng puso ko sa pagkasawi at pagkawasak.
Nararapat nga lamang na hindi ko sinabi ang aking ngalan.
Dahil kung ako ay iyong makikilala baka sakali ikaw ay aking agawin sa kanya. At ipaglaban ang pagibig ko sa iyo na aking inalagaan sa mahabang panahon.
Sa huling sandali. Muli kong pinagmasdan ang paglayo mo. Kasabay ng iyong paglaho sa aking paningin ay kasabay rin n'on ang pag-asang unti-unting paglimot ko sa iyo sa mga darating na sandali at panahon. Katulad ng paglimot mo sa aking ngalan.
Dahil alam ko, wala ng patutunguhan ang pagsinta ko.
Masakit man sa damdamin pero hinding hindi ko pagsisisihan ang aking ginawang pagbabakasakali.
***
❤Jenn Febes❤
Yun na nga... Ang unang maikling kwento na natapos ng inyong lingkod...
Date Started: August 21,2020
Date Finished: August 21,2020PS:
* Slow update po ang aking "Crumpled Heart".
* Soon to publish po ang aking on going LYRD -
"Loving You at Rainy Days".
Tapusin ko po muna bago
i-publish dito.and
* Abangan n'yo din po ang
"To The Man Who Left Me Hanging" (Short Story)
- Hango po yung title sa published quotes ko.
Kindly visits my works -
"Just Quotes"
Minnasan,
Domo Arigatou Gozaimasu!
LoveLots
YOU ARE READING
Pagbabakasakali (Maikling kwento)
General FictionHer POV. Nakikilala mo pa ba ako? Sa kabila ng paglipas ng panahon ay 'eto parin ako. Umaasa na mapansin mo. His POV. Paano nga ba kita nakalimutan? Bakit nga ba kung kailan ka naalala ng puso ko ay siya namang panimula ng iyong paglimot. Compl...