His POV.
Paano nga ba kita nakalimutan?
Bakit nga ba kung kailan ka naalala ng puso ko ay siya namang panimula ng iyong paglimot.
"Kamusta na? Hindi mo na ba ako natatandaan?" Mga eksaktong salita na iyong binanggit sa akin.
Mga salitang binigkas mo sa aking harapan, bakas ang lungkot at pag-asa sa iyong magandang mukha na ikaw ay aking maalala.
Tumalikod ako sa iyo sa pag-aakalang di talaga kita kilala.
Sa bawat hakbang papalayo sa'yo ay s'ya namang mga paa ang ayaw lumisan. Parang kaybigat humakbang.
Kung tayo ay matanda na, Sana'y 'di tayo magbago...
Kailan man, Nasaan man ikaw ang pangarap ko...
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin....
Hanggang sa pagtanda natin...Isang pamilyar na tugtugin ang pumailanglang. Kasabay ng isang alaala ang pilit na nagsusumiksik sa aking isipan. Ngunit lahat ng iyon ay aking pinagkibitbalikat lamang.
Lumipas ang bawat araw, bawat buwan at isang taon. Ni kahit saglit 'di ka naalis sa isip. Unti-unting bumalik ang mga alaala na tayo ay magkasama.
Naalala ko noon nung tayo ay bata pa. Magkalaro. Magkasama sa bawat kalokohan. Magkaibigan at magkadamayan.
Umalis ako noon dala ang pangako sa sarili na ikaw ay 'di malilimutan. Kahit musmos pa ang isipan alam ko ng ika'y sinisinta at sa akin ay mahalaga.
Ngayon, tanong sa aking sarili...
Bakit nga ba nagkaganito? Kung kailan kilala ka na ng puso ay siya namang 'di ka makatagpo.
Bumalik ako kung saan mo ako muling nakita dala ang pag-asang baka sakali makita ka.
Ang swerte ko naman. Ang sabi ko sa sarili ng masilayan ka sa 'di kalayuan. Nagmamadali akong lumapit para ikaw ay kausapin.
Nahihiya akong sambitin ang iyong ngalan kaya ikaw ay kinalabit ko na lamang.
"Kamusta?" Nakangiti kong sabi ng ako ay iyong lingunin.
Bakas sa iyong mukha ang saglit na pagka-gulat ng ako ay iyong makita. Ngunit kalaunan ay binalik mo ang ngiting aking inaasam na muling masilayan.
"Okay lang... Ikaw kamusta na?"
Napakaaliwalas ng iyong pananalita. Pero bakit ako nakaramdam ng kaba?
Kaba, na tila ba pahiwatig sa isang paparating na kabiguan.
Magbabakasakali ako... Na maibabalik ang kahapon. Kung saan sa pangarap ko. Ikaw at ako. Tayong dalawa hanggang sa pagtanda ay ---.
"Sweetheart, kanina ka pa?"
Walang pag aalinlangan mong inalis ang tingin sa akin, bakas sa mukha ang kasiyahan na masilayan ang isang lalaki.
Ang iyong ngiti na pinagkaloob mo sa akin ng sandali ay iba na pala ang nagmamay-ari.
Ang sakit. Ang sakit na makita kang kumapit sa kanya. Kasabay ng ningning sa inyong palasingsingan, ay magkahawak kamay kayong nagpaalam.
Sadya nga yata na mapagbiro si tadhana. Kung kailan ako naman...
Ako naman ang magbabakasakali ay s'ya naman ang aking pagkasawi.
Masakit man tanggapin na huli na. Wala na akong magagawa. Dahil alam kong wala ng saysay ang aking pagbabakasakali.
***
❤JennFebes❤
(Dedicated to Jhona)
One of my friends suggested na gawan ko daw ng POV si lalaki.
Yung tipong naka moved-on na daw si girl.
Honestly, its challenged me...
So ito na nga... 😁
Date Started: August 22,2020
Date Finished: August 22,2020LoveLots
YOU ARE READING
Pagbabakasakali (Maikling kwento)
Narrativa generaleHer POV. Nakikilala mo pa ba ako? Sa kabila ng paglipas ng panahon ay 'eto parin ako. Umaasa na mapansin mo. His POV. Paano nga ba kita nakalimutan? Bakit nga ba kung kailan ka naalala ng puso ko ay siya namang panimula ng iyong paglimot. Compl...