"SA PINTUANG IYO''

143 0 0
                                    


Sasara, bubukas,
Papasok, lalabas,
Pang unang bungad sa atin,
At panghuling ti titigan natin,

Libo-libong pintuan,
At isa doon ang nakatakda sa bawat isa sa atin,
Ngunit heto ako't ni isa walang tinatangkang buksan,
Sapagkat aking iniisip wala naman itong patutungohan,

Takot, yan ang namutawi saking isipan,
At ni ako, Sariling isip hindi ko mapigilan,
Pintuang sakin'y naghihintay-
Hinintay mo ba ako? o tila ba ako'y naunahan,
At ito ako'y unti-unti ng pinanghihinaan.

Datapwat hindi ito isang paligsahan dahil ang bawat isa sa atin ay binigyan saysay. 

Sa libo-libong pintong ito,
May nakatagang isa para sayo,
Oo, mahirap hanapin at minsan din napakatagal,
Ngunit sa bawat araw'ng lumilipas hindi mo nalang mamalayan na  nasa harapan mo na pala ang iyong pinaghirapang makamtan,

Kakatok, pagbubuksan at papasok,
Patungo sa kung saan ikaw ay nararapat,

Sa pintuang iyo.

Tulang ImahinasyonWhere stories live. Discover now