Resolution

33 3 0
                                    


Resolution

Narinig ko nanaman yung ingay ng mga paputok

Ilang oras nalang, magba-bagong taon nanaman

Matatapos na naman ang isang taon at mapapalitan ito ng isang bagong taon

Natapos na ang mga pagsubok, mapapalitan ulit ito ng bagong pagsubok

Natapos na ang mga pasakit, mapapalitan ulit ito ng bagong pasakit

Natapos na ang mga mga magagandang alaala, mapapalitan ulit ito ng mga bagong alaala

Another year to experience

Another year for chance

Another year for Love

Another year for Friendship

And

Another year for Faith.

Kahit anong pagsubok natin, makakamit din natin ito kung lagi tayong nakakapit sa panginoon.

Yeah! Bakit ko nga ba to sinasabi?

Talk about experience, heartbreak and syempre yung mga trials

Kaya nagpapasalamat talaga ako kay God, kasi lagi siyang nandiyan na kahit minsan nakakalimutan na natin siya.

Despite na imperpekto nating mga  tao

Patuloy niya pa din tayong minamahal

So i decided

Na gagawa ako ng resolution

Yes! You heard it right, RESOLUTION

Para maging mabuting tao

At para mas lumakas pa ang Faith ko

Syempre ang una ay lagi na ako magda--

"Lang! Ano nangyare sayo at nakatunga-nga ka lang jan?" Sabi ni Christine na pinsan ko, matanda lang ng 2 taon kaya di ko na ina-ate kasi parang magkabarkada lang kami nito

"Sarreh ok? May iniisip lang ako." Sabi ko naman sa kanya

"Ahhhhhh! Akala ko iniisip mo siya." Napa huh? Naman ang bibig ko.

"At sino naman ang iniisip ko ine?" Medyo may hint na ako kung sinong sasabihin niya pero di ko sure, basta yun, labo eh

"Edi sinu pa ba? Edi si Jos--- hmmmphh"tinakpan ko yung bibig niya kasi dumaan si mama, sabi na eh

"Ateng! FYI lang, hindi ko siya iniisip noh" sabay irap pa sa kanya

"Wehh? Bakit? Nagsisi ka na ba??" Sabay taas baba ng kilay niya

"Huh? Hindi noh! Tama naman siguro yun, masyado pa naman talaga kaming bata para sa ganun at saka kung kami talaga, tadhana na mismo ang gagawa at maglalapit samin, so for now mas bet ko mag aral teh ok? Kontento na aketch sa wattpad!" Ganun pa din yung kilay niya, parang di siya naniniwala sa paliwanag ko, bahala nga siya!

"Edi ... ok. Wag kang nagagalit. Chill lang ateng" sabay tawa niya

"Hindi ako nagagalit, nag eexplain lang ako. Saka, akin kaya yang line na yan inagaw mo lang."

"Ehh, sa ito yung matagal ko ng hinahantay para masabi ko din sayo yan, buti talaga parang sumisigaw kanina." Sabay tawa niya

"Baliw! Humahanap ka lang pala ng timing, hindi mo sinabi pagbibigyan naman kita eh." Sabay tawa ko din

"Lang! Ten! Malapit na mag 12, punta tayo sa taas para makita natin yung fireworks!" Say ni Dianne, isa kong pinsan, Sensya hindi ako mahilig mag ate sa mga pinsan ko.

"Edi K! Wag kang nagagalit!" Sabay kami ni Christine niyan sabay tawa, pasensya ganyan talaga kami, baliw baliw-an lang, sensya talaga mga readers

At umakyat kami sa 2nd floor ng bahay ni tita dahil dito kami nagbagong taon sa lugar nila sa antipolo kasi kita yung mga fireworks pag bagong taon

"Sabay sabay tayo magbilang!" Sabi ni erika na pinsan  ko na mas bata sa akin

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"HAPPY NEW YEAR!!!!" sabay sabay naming sabi. At nagtatalon kami baka kasi tumangkad pa di naman masama mag try diba? -_-

Pinikit ko ang mata ko at inalala ko mga nangyari sakin nung nakaraang taon

..................................................

Salamat! Salamat talaga Lord dahil naexperience ko nanaman to! Salamat sa lahat.

Isa lang ang natutunan ko, dapat di natin sinasayang ang bawat segundo ng buhay natin, gawin natin tong makabuluhan, gawin natin itong masaya, gawin din natin ang nararapat. At masasabi kong marami ang natutunan kaya thankful ako dahil this year

Dahil ..

Magagawa ko ng pang mas makabuluhan ang buhay ko.

Goodbye 2014, Hello 2015

A/N: sorry kung yung iba na-dissapoint or baka sabihin nung iba nasayang lang oras ko sa pagbabasa dito. Nilalabas ko lang po nararamdaman ko sa one shot na since it's my first time eh sinulat ko to gabi ng dec 31. Hindi ko po idedeny na minadali ko lang to, more like 30-45 minutes ko lang sinulat. And yeah silent reader lang talaga ako. So, salamat sa mga nagbasa nito. Thank you dahil binasa niyo yung first one shot story ko dito sa wattpad. God bless and Happy New Year po!

- ShannenAELiu

(c) 2015

Resolution (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon