<A/N: I hope you enjoy this chapter! :)>
Chapter 1: Summer
"WAAAH. Ayoko na! Huhuhu!" Mahinang sigaw ko. Paano ba naman kasi, lahat sila nagsusummer break na or so they called it 'bakasyon.' Eto ako ngayon, nagpapart-time + nag-aaral ng mga naiwan kong subjects. Bumagsak kasi ako sa Math at Physics ko, mahina kasi ako dun sa dalawang subjects na 'yun. Hate na hate ko rin pati yung teacher namin diyan, kasi nakaka-antok siyang magturo.I layed down my head sa arm chair. Hindi ko na kasi kinaya ang antok, kaya nagcover na lang ako, since nasa likod naman ako ng seat plan. Sinabe ko sa katabi kong si Jasmine na sabihan ako kapag nakatingin si teacher. Siya lagi kong 'watcher.'
"Hay nako, Catherine. Alam mo dapat makinig ka sa nilelesson ni sir sa atin. Magagamit mo rin 'to sa college -- more like advance pa nga ito eh." sabi ni Jasmine habang pinaiikot-ikot niya yung ballpen niya sa kamay niya.
"Tsss.. For someone who's doing good at Math? Ikaw na lang. Ayokong makinig ngayon. Besides, ayoko rin sa teacher natin."
"Okay. Bahala ka. I'm not the one to blame kapag hindi ka nag-aral. Hindi kita kinokonsinte as a friend."
Ganyan kami lagi eh, pero mabait yan. Weirdo nga lang, katulad ko -- well in some other way. Siguro, may mga babaeng matatalino talaga sa Math, pero pleaasee. 'Wag ako. 'Wag niyo akong tularan. Napaka-tamad ko sa subject na yan. -____- Bakit pa kasi kailangan ng Math? Hahahaha.
.
.
"MISS Martinez!!!" bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Tumawa naman yung mga katabi ko at mga kaklase ko sa subjects na yun. Tae naman 'tong si Sir, lagi na lang akong paborito.
"YES, SIR?!" Inayos ko yung buhok ko.
"Care to solve this problem?" Paktay. Tinignan ko yung problem, buti na lang madali. Nakakainis! I hate my fvcking life; I hate this professor, I hate those students -- feeling matatalino, I hate everyone!
"Correct. Next time, I'll give you more problems." Ano raw? Double meaning para saken yun ah? Hindi ko alam kung bibigyan niya ako ng Math problems; or pwedeng bibigyan niya ako ng problema sa buhay, ooooorr... Pahihirapan niya ako... Juice colored, 'wag naman sana. Please, makikinig na talaga ako.
So, after nung nasagutan ko 'yung problem, nagising talaga ang diwa ko. Kasi baka ako na naman ang tawagin ni Sir. Favorite niya kasi yung mga studyante niyang hindi talaga nakikinig.
"You know Cath, you're good at Math. Hindi ka lang talaga nag-aa---"
"SHHH. Shut it. Wala akong piso, Jas."
"No. I'm telling you the truth.. :)" she just grin on me. Tf hahaha.
--
Nagring na yung bell ng school. It means: a) Pwedeng lunch break na. orrr my favorite part b) Uwian! Hahaha. Yess!
Dali-dali akong nagligpit ng gamit ko na nakakalat sa malaking lamesa -- doon kasi ako nakaupo. White table siya na may brown wood color sa bawat corners, well yung mga nakikita sa laboratory? Yes, yung high-table na yun na parang bar, tapos may high-chair pa. Kaya din ako nakakatulog paminsan-minsan kasi nasa top building kami 5th floor. Doon yung laboratory saka Math room. Ayaw kasi ng professor at administration na magugulo ang mga studyante kapag major subjects na ang pinag-aaralan. Concentration kung baga.
BINABASA MO ANG
Everything is a First
Подростковая литератураSi Catherine Martinez; siya yung babaeng mas gusto pang naka-maong kesa sa palda. Mas gusto pang nasa bahay kaysa sa maglakwatsa, pulbo kaysa sa lipstick. Hindi siya typical -- ordinaryong babae lang. As she takes one step on being a college student...