Day 1

88 2 0
                                    

"Girl, September na ngayon. Uso ring mag-move on!" Ani ni Hanna, kaklase ko noong high school at blocmate ko parin hanggang ngayon dito sa LB. Nasa 7/11 kami ngayon, kalapit ng SU building kung saan katatapos lang ng GI namin.

(SU - Student Union; GI - General Istruction)

Tuwing GI, nagkakasama kami ng mga blocmates ko.  At kanina lang, sinabi na maghanda na daw ako para sa nalalapit na Lakan Lakambini. Next week na kasi yung finals.

Sinubukan ko namang tumanggi. Pero masakit ang matawag na KJ kaya, half hearted akong um-Oo. Sayang din naman yung effort ko sa screening di ba?

Hindi na naman bago sa aking makasali sa mga pageant na tulad nito.

Hindi lang talaga ako sanay na...

"Hindi dahil wala dito si Kurt, hindi ka na pwedeng rumampa! Sayang ganda mo Mary Margaret! Huwag mong hayaang hanggang ngayon, sirain pa rin niya buhay mo."

"Ehh."

"'Ehh.. Ehh' ka na naman diyan," she mocked me habang nilalantakan yung ice cream niya. "Subukan mo namang mag-move on. Ginawa na namin ang lahat para tulungan ka. Pero at the end of the day, ikaw at ikaw ang din ang makakatulong sa sarili mo."

Pinili ko nalang na hindi na magsalita. Tama naman siya. Pero ang hirap lang talaga.

Simula noong third year high school sunod sunod na ang pagsali ko sa mga pageant. Mula Mr. & Ms. UN, Lakan Lakambini, Mr. & Ms. Intrams at ang pinakahuli, Mr. & Ms. Richmond Academy.

At sa lahat nang yan, iisa lang ang naka-partner ko, si Kurt de Castro.

Kung tutuusin, kasalanan talaga 'to nung ginawa niyang kalokohan noong Valentine's fair namin noong 2nd year eh! Kung hindi siya naglabas ng malaking tarpaulin ng 'Crush Kita, Mags' with matching harana ng barkada niya, hindi kami magiging suki ng mga pageants.

Noong una, wala lang sakin. 14 years old palang ako noon! What do you expect?

Hindi ko lang alam kung totoo pero balita ko may fans daw kami at loveteam name pa. "Ang kokorni niyo." Yun ang naalala kong sinabi ko sa kanila.

Yung mga manliligaw ko nga sa school, sa kanto, at sa facebook, nirereject ko lang lahat eh. Ano namang mayron dito sa Kurt na ito para pagbigyan ko?

Hay. Hindi ko rin nalaman ang sagot sa tanong na yan. Hindi ko alam kung anong ng bang mayron sa kanya.

Basta alam ko lang na iba ka, Kurt.

Tuksuhan. Asaran. Hanggang sa umabot na sa ligawan.

Siguro, kapag lagi mo kasing nakakasama ang isang tao, di mo na maiiwasang ma-attach sa kanya. Lalo na't hindi naman ako yumg tipo ng babaeng masyadong close sa lalaki.

At dahil siya lang ang lalaking nakakasama ko, laging bago para sa akin yung mga banat niya. Yung 'good morning', 'kumain ka na ba', 'ingat ka' texts, akala ko espesyal eh. Dahil sa kanya palang naman ako nakarinig ng ganung mga hirit. Nagpadala naman ako kaagad.

5 buwan na rin ang nakalipas. 5 buwan mula noong graduation. 5 buwan mula noong nakipagkita ka sa akin sa SM para makipaghiwalay.

Sinilip ni Hanna yung phone niya, dismayado ang mukha sa nabasa. "Ay.Nagtext si Ma'am Drio oh. Wala daw tayong lab ngayon sa IT1."

"Talaga? Buti nalang. Oh teka bakit parang nalungkot ka?"

"Eh kasi... Gusto ko sanang makigamit ng PC sa lab eh. Tsk."

"Ay wow. Ikaw yata dahilan bakit mabagal connection pag klase eh!"

"Ganun talaga! Tara uwi na nga lang tayo!"

Strange Stranger StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon