1

0 0 0
                                    

1: start of something new

What if sun never rises for us? Are we still able to survive?

I shaked my silly thought.

"Paalam sa inyo, cel!" narinig kong sabi ng ale na nakasuot ng floral duster at mga hair curler sa buhok na halatang 'di na uso sa panahon ngayon. Siya ay nakadungaw sa kanilang asul na gate. Si Aling Marites na nagmamay-ari ng isang tindahan dito sa tapat ng bahay namin. Of course, pinagsawalang bahala naming lahat iyon 'no. Feeling close. Akala niya hindi namin knows na pinagchichismisan niya kami sa ibang kapitbahay. Brianna overheard their gossiping sessions a plenty of times already! And knowing that it is kids' nature to be honest, pinaniwalaan ko. May mga tao talagang walang ibang magawa sa buhay. Deserve niyang bigyan ng parangal bilanh Chismosa ng Taon.

Wala namang bardagulan or tulfo na nangyari sa pagitan namin kasi first and foremost, we don't give attention to trivial things, okay? Walang confrontation na nagyari or whatsover kasi 'di naman yan nakakalago ng business. Hindi kami warfreak kumbaga. Marami pa kaming pinagkaka-abalahan sa buhay 'no! Atsaka, hindi ang mga iyan ang nagpapakain sa amin!

I rolled my eyes in sudden annoyance.

"Ilo-lock ko na ang pintuan, wala na bang naiwan sa loob?" tanong ni mama galing sa balcony. May nakasukbit na bag sa kanyang likuran na naglalaman ng damit.

"Wala na ho, ma." sagot ko matapos suyurin ng paningin ang loob ng truck bago isara. Ay teka, paano nga 'to isara?

"Itabi mo, ako na." Rui said in his usual baritone voice. Yeah yeah, alam kong si Rui na agad ang may-ari ng boses. The long- haired angry bird. Sinunod ko ang sinabi niya. "Ngayon ka pa dumating at tapos na kami sa pag empake. Pasikat."

"Rey and her mood swings." He clicked his tongue. "Yung kaibigan ko kasi, napakakulit. Gusto raw sumama. Parang linta amputa!" sumbong niya habang sinasara ang truck upang hindi magbagsakan ang mga gamit sa kalye.

"Rui!"

"Tito!" lumapit ang lalake kay papa upang magmano. "May maitutulong pa ho ba ako?"

"Ahh...wala na eh. Nailagay ko na ang lahat ng mabibigat, Rui." mahinang natawa si papa. Nagpatuloy pa ang pag-uusap ng dalawa.

May kumakabit sa laylayan ng aking blusa dahilan upang ako'y lumingon. Napatingin
ako kay sa batang nakapigtail na nasa aking tabi na may bitbit na manika.

"Ate, sino po yan? Ba't nakatingin sa atin?" she asked curiously while hugging her toy. Tinuro niya ang kanyang tinutukoy.

Napadapo ang tingin ko roon sa tinutukoy ng bata. I squinted my eyes and bend a bit to match the child's eye level. A stranger leaning on a decent car while holding a phone was what i've saw. He was wearing a snapback and an oversized shirt. Dalawang bahay ang pagitan ng distansya nya sa amin.

"Hindi ko rin iyan kilala e. Pero 'wag mo lang pansinin baka bisita ng kapitbahay yan at Bridget..." I trailed off while putting my hands on my waist as if I am stressed. "Diba sabi ko ilagay mo yan sa backpack mo at baka mawala yan. Mamaya kana maglaro." suway ko. You see, this one is a stubborn kid.

Napasimangot ang bata habang binubuksan ang munting backpack upang mailagay ang kanyang pinakamamahal na laruan.

"Sa paglabas nalang po ng gamit, tulungan ko kayo." narinig kong suhestiyon ng binata kay papa.

"Eh ibig sabihin 'non, sasama ka samin?Baka busy kang bata ka?" tanong ni papa.

Desididong umiling si Rui. "Wala po akong pinagkaka-abalahan ngayong araw."

"Malayo-layo pa iyong lilipatan naming bahay. Ayos lang ba sa'yo? Sabay ka nalang kina Rey. Sa jeep na nirentahan sila sasakay, bale magco-convoy. Tapos, sa passenger seat ng truck ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rey Of SunshineWhere stories live. Discover now