1

8 3 0
                                    

🤍

"Sevi look at the camera and smile." I urged my brother, ngunit bumusangot lang ito sa akin.

I can't help but laugh at his reaction, i took more pictures of him and chuckled and saw how cute he is.

"Ate, stop taking pictures na i'll dance in a bit." He said pouting.

He was right at tinawag nga siya ng mga classmates niya at umakyat na sa stage.

Today is the founder's day of their school, wala naman akong klase kaya inaaya ako nina mom at dad na sumama sa kanila, and i ended up Sevi's photographer.

Tawang tawa si Kuya Jayce kay Sevi habang sumasayaw ito, he asked me to take some videos of our brother kaya sinunod ko naman ito.

He was dancing lazily dahil ayaw niya talagang sumayaw, he kept on whining while we're on our way his school.

Nang matapos ang performance nina Sevi ay agad itong bumaba sa stage at pumunta kina Mom.

"Mom, ill just buy some water." I told my mom. Tumango naman ito at pumunta ako sa canteen ng school ni Sevi.

Kuya Jayce also studies here magkasama sila ni Sevi habang ako sa ibang Unibersidad pumapasok, it's not like i dont like being with my brothers it's just i wanna study at my dream university. At first my parents didn't agree so does my brothers but in the end pumayag naman sila.

"Ate one bottled water po." Sabi ko sa tindera.

Matapos kong bumili ay agad na bumalik kung nasaan sina Mom ngunit wala na sila doon, kumunot ang noo ko at tinext sina Kuya kung nasaan sila.

"The next performers, Grade 10 A!" Narinig kong tawag ng emcee sa gitna ng stage.

I checked my phone kung nag reply ba si kuya ngunit nakita kong wala akong natanggap na reply mula sa kanya. I tried looking for them but i failed at hindi sila nakita, i sighed and just sat down and waited for them.

Biglang tumunog ang kantang Uptown Funk at agad na naghiyawan ang mga tao, kaya napatingin ako stage at nakitang naperform na ang Grade 10 A, mga kabatch ko sa paaralang ito kaya nanood ako. I saw some familiar faces some friends of my cousins.

Their performance was so funny dahil mostly lalaki ang mga sumasayaw. 

"Go Tristan! Ang gwapo mo my god!" Sigaw ng mga babaeng sa tingin ko ay ka edad ko lamang.

Napatingin ako sa stage at tumingin sa tinuturo at sinisigawan niya, ang lalaki ay ngumisi ito at kinindatan pa ang mga fans nya at halos himatayin pa ang mga ito dahil sa ginawa.

I rolled my eyes, ang hangin naman nito. But i agree ang gwapo nya nga, matangkad siya at maputi na may pagka chinito. Napatigtig ako sa kanya at mas lalong naging gwapo siya sa pananaw ko dahil sa magagandang ngiti niya na nagpa wala sa mga mata niya.

Gosh, i don't know but i held my camera up and took a picture or him as he dance. Nag init naman ang pisngi ko dahil sa ginawa ko. Matapos ang performance nila ay bumaba din sila sa stage at agad siyang nakipag kulitan sa mga sa tingin ko ay mga kaibigan niya.

"Aestherielle." Nagulat ako ng marinig ang tawag ni kuya Jayce kaya napatingin naman ako dito.

"Kuya kanina ko pa kayo hinahanap bakit kayong biglang nawala?"

"Sorry hinatid ko sina Mom kasi, dad received a call from the site kaya umalis sila to check." Paliwanag niya sa akin.

My dad is an engineer and my mom manages our restaurant. Napatango ako kay kuya bilang sagot.

"Hanapin ko lang si Sevi, kakain muna tayo sa mall bago uuwi." Napangiwi naman ako sa sinabi niya, uuwi na kami agad?

"Okay pero sandali lang kuya, i need to go to the cr." Paalam ko at iniwan ko ang bag at camera ko sa kanya.

Masyadong maraming tao sa cr dahil sa program kaya medyo natagalan ako, pagbalik ko sa kung nasaan si kuya ay laking gulat ko na wala siya doon. Napansin ko ito kahit malayo pa lamang ako, pero mas laking gulat ko ng papunta iyong lalaking nakunan ko nga litrato kanina sa pwesto namin ni kuya kaya tumigil ako sa paglalakad kahit malapit na ako. May kasama siyang kaibigan niya at hindi ako napansin, parang humahanap siya ng mauupuan at nakitang ang upuan ko nalang ang bakante.

Lalapit na sana ako at agawin ang upuan ng naunahan niya na ako, kinuha niya ang bag ko at nilagay sa gilid niya ngunit malaki ang camera ko kaya hinawakan niya lamang ito.
Nakita kong parang kinalikot niya ito, shit ang pictures! Napakagat ako ng labi ko at nataranta ng nakitang tiningnan niya ang shots ko. Nakita kong nagulat siya ng nakita niya ang pictures niya. I think i took 5 pictures of him.

My God Aestherielle Nicole Dela Cruz, Bakit na carried away ako at kinunan siya ng pictures?

Mas nataranta ako ng luminga linga siya at parang hina hanap ang may ari ng camera na hawak niya, napamura ako ng tumingin siya sa pwesto ko kaya binaling ko ang tingin sa gilid ko at nagkunwaring may tinitingnan.

Napatingin ako ulit at hindi na siya naka tingin sa pwesto ko ngunit nakita ko namang andon na si Kuya Jayce sa upuan ko, nakita kong kumunot ang noo ni Kuya ng makita iyong lalaki pero kinausap niya ito, shit magkakilala sila! Nakita kong parang nagtaka ang lalaki ng kunin ni kuya ang gamit ko at agad na sinuyod ni kuya ang kanyang mga mata para hanapin ako kaya nataranta akong umalis sa pwesto ko at nagtago sa ibang pwesto na hindi niya ako makikita. Tinext ko na lamang ito at sinabing sa sasakyan nalang kami magkita at sinabing dalhin ang gamit ko para hindi siya magtaka.

Napabuntong hininga ako ng nakitang umalis na si kuya at naiwan na nagtataka parin iyong lalaki kanina. Agad naman akong umalis sa pwesto ko at pumunta na sa parking lot kung saan naroon sina kuya.

"Where have you been Ace? Hinanap kita at hinintay sa labas ng cr ngunit hindi ka parin lumalabas, at pagbalik ko hawak pa ni Tristan ang gamit mo?" Bungad ni kuya ng nakarating ako sa sasakyan namin. So his name is Tristan?

"Umm sorry kuya natagalan kasi ako sa cr kasi maraming tao." Sagot ko at pumasok sa na shotgun seat, hoping that he will just drop tbe topic.

"Teka magkakilala ba kayo ni Kuya Tristan ate? Ba't hawak niya ang mga gamit mo?"Nagulat akong bumaling kay Sevi na andon sa backseat. Biglang uminit naman ang pisngi ko at natandaan ang katangahan ko kanina.

"No, i don't know him." Sagot ko kay Sevi. So kilala niya rin si Tristan?

"Nakita kong nakaupo na siya sa upuan mo Ace at hawak niya rin ang gamit mo, nanliligaw ba yon sayo?" Ani ni kuya habang nag umpisa ng magdrive.

Ramdam ko na mas uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, what in the world? Eh hindi ko pa nga iyon nakakausap tapos manliligaw na?

"What? No kuya hindi ko din alam baka inupuan niya lang ang upuan ko ng umalis ka, bakit ba kasi hindi mo dinala ang gamit ko?" Balik tanong ko sa kapatid.

He gave me a fleeting look at binalik agad ang tingin sa daan.

"I told you hinanap kita sa cr nakalimutan ko na hindi mo pala dala ang gamit mo baka nga nadampoy niya lang ang gamit mo at inupuan ang upuan mo, pabayaan na natin yong nangyari." Sabi niya para matapos na ang topic na iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag doon at hinawakan ng mariin ang camera ko.

Hindi naman hinalungkat ni kuya ang camera ko diba?

-
🌼🤍

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What if I Told YouWhere stories live. Discover now