Chapter 3

2 0 0
                                    

CHAPTER 3

WHO'S THAT?

Pumunta ulit sa bahay si Airene para sumabay saakin pagpasok sa school.

Nandito na kami ngayon sa room. Umalis yung teacher namin dahil may meeting daw sila. Kaya naglaro nalang kami ng mga kaklase ko. Truth or Dare daw. Pinaikot na nila 'yung bote, saakin tumapat.

"Dare" sabi ko.

"Sigurado kang dare? Kaya mo?" tanong ni Gerald.

"Yes naman, ako pa"

"Oh sige, pag nakita mo si Nico mamaya, yakapin mo" ngumisi si Gerald.

"Okay...that's easy" sabi ko kahit medyo kinakabahan, baka kasi magalit si Nico. Pero, bahala na. Pinaikot na muli ang bote at tumapat ito kay Airene.

"Truth" sabi niya.

"Mahal mo pa ba si Ivan?" tanong ko habang nakangiti. Biglang lumungkot ang mukha ni Airene. Tiningnan ko si Gerald na tumayo at lumakad papunta kay Ivan, kaklase namin si Ivan. Binulungan niya ito, tapos biglang tumayo si Ivan at naglakad papunta saamin. Huminto siya sa likod ni Airene. Mukha namang hindi siya napansin ng kaibigan ko.

Hmm.Alam ko na kung anong binabalak nitong si Gerald.

"Airene, uulitin ko. Mahal mo pa ba si Ivan? 'Yung totoo ha" sabi ko. She looked at me and smiled sadly.

"Uh...yes" she said then sighed.

"Yes, huh?" nagsalita ang lalaki sa likod niya, si Ivan. Nangangamoy comeback. Nilingon siya ni Airene, nanlalaki ang mga mata.

"H-ha? Kanina ka pa ba d'yan?" nauutal niyang sabi.

"Hmm? Paano kung oo?"

"So, narinig mo? Shit"

"Let's talk, Airene" sabi ni Ivan sabay kuha ng kamay ni Airene.

Sana all nalang huhu.

Tinapos na namin ang laro. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para malibang. Pero bago pa ako makapaglaro sa cellphone ay bigla akong kinalabit ni Diana.

"Why?"

"Si Nico, oh" turo niya sa may labas. Tumayo agad ako para gawin 'yung dare nila. Nakasilip lang sila saakin. Hinarangan ko si Nico para matigil sa paglalakad.

"Hi baby" sabi ko sabay yakap sakanya. Limang segundo ko siyang niyakap. Hindi manlang niya ako pinaalis. Akala ko magagalit siya. Tiningnan ko siya, nakatingin pa rin siya saakin. Para siyang naestatwa kaya hinampas ko siya ng mahina.

"Hey?" sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Uh...s-sa Office ni Ma'am Fernaz" sagot niya, tumango naman ako. Nagtaka ako kasi hindi pa rin siya umaalis.

"Hindi ka pa aalis?"

"O-oo, aalis na" sabi niya at mabilis na naglakad. Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na sa room.

Isang oras ang lumipas, recess na. Kaya pumunta na kami ni Airene sa cafeteria. Ang weird lang kasi ang laki laki ng ngiti niya. Parang baliw.

"Anong gusto mong food? Libre kita!" sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Kahit ano, ikaw bahala"

"Okay!" tatayo na sana siya kaso biglang dumating si Ivan.

"Pwedeng maki-share ng table, babe?" tanong ni Ivan kay Airene. Babe?! Argh. Nagkabalikan pa nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time MachineWhere stories live. Discover now